Nang maka alis na sila ay tumulong ako sa kusina. Maya maya ay may mga ibang nagsi datingan pang bisita. Busy ang lahat, ewan ko ba engrande ang ipinagawa nitong si Driel. Mana kay Drick.
Grabe parang okasyon ng kaarawan, victory party, kasalan ganon ang theme nito. Inaya rin itong babaeng GF na niya simula high school siya si Auie.
Mabait naman siya, palaban, maganda, matalino. Nagkasundo na kami pero si Ychell, diring diri na akala mo naman walang ibinatbat dito kay Auie. Nang makarating siya rito ay ako ang unang hinanap niya. Aba'y gustong gusto ko siya kaysa kay Ychell.
Gustong gusto siya ng pamilya namin, nang angkan nila Tito. Kaya siguro mas lumalayo ang loob ni Ychell. Ewan ko ba masyado siyang mapang angkin, lalo na sa mana.
__________________________________________
Driel POV
Nagsi datingan na ang mga bisita ko, may isang tao nalang talaga ang inaantay ko. Alam kong magagalit ang mga magulang ko lalo na si Ezerie. Pero masisisi ba nila ako kung itinuring ko na siyang kapatid ko, naging parte rin naman sya ng pamilya namin.
Di man katulad na ng katulad dati umaasa naman ako na magiging maayos din ang lahat, sa mga nangyari noon sana'y umayos na at makalimutan na.
Umaasa rin ako na magka bati sina Klarki at Ezerie. Sana man lang ay mabigyang linaw ang lahat, sana at sorry Ezerie.
__________________________________________
Mamaya ay may bumusina muli. May inaasahan nanaman sigurong bisita si Driel hay nako. "Driel anak! Iyong bisita mo ata. Asikasuhin mo na dalian mo". Tawag ni Mama kay Driel pagka rinig ng busina. Dali-dali rin naman sumunod si Driel kay Mama.
'Sino naman kaya itong bisita niya?'. Grabe hindi nag sasawang mag imbita 'to. Iba talaga kapag maraming friends.' Maimbita nga rin kaya si Yvane miss ko na lokang yon'.
Pumunta ako sa kitchen at hinanap si mama. Nang makita ko na siya ay tinanong ko kung puwede ako mangimbita. "Ma, puwede ba maimbitahan si Yvane. Mag hang out kami here?". Tanong ko.
Inihinto ni mama ang ginagawa niyang pagluluto at lumingon siya sa akin. "Oo naman puwede, tawagan mo siya at papuntahin mo gusto ko siya makita". Nakangiti niyang sambit. Tumango ako bilang tugon.
Umalis ako sa kitchen para hindi sila maabala. Pumunta ako sa sala at tinawagan ko agad si Yvane para ayain. "Yes girl, why you calling?". Ani ni Yvane sa linya. "Tara rito sa house, hang out tayo. Tsaka gusto ka makita ni mama". Ani ko naman pabalik.
"Sure! I'll come wait mo lang ako sa house mo". Ani niya. "Osige, call or text ka if narito ka na a. Bye girl". Sabay end ng call. Inintay ko siyang mag call or text habang busy pa rin sila sa pag hahanda.
I hope good day itong inihanda ni Driel, apaka engrande naman kase ng gawa ng party. Habang iniintay ko si Yvane tumabi sa akin si Auie. "Ezerie, bakit hindi ka sumama sa akin at pumunta tayo roon". Ani nito sabay turo ng labas namin, ang malawak na lupain. Pwede na pagtayuan ng bahay o garden.
"Hindi na, iintayin ko muna si Yvane ang kaibigan ko, tsaka na ako susunod sa inyo. Sige na pumunta ka na roon inaantay ka ata ni Driel". Ani ko.
"Hindi, sabay na natin intayin ang kaibigan mo. Para pag labas natin edi masaya". Ani nito ng may ngiti. Tumangon na lang ako bilang tugon. Binalikan ko ng tingin ang telepono ko at inaantay ang tawag o text ni Yvane.
Nag iingay na sila, medyo nakakairita ang ingay. Hindi lang siguro ako sanay marahil ay hindi ganon ganap dito ang party, kundi sa resort ni mama.
Rinig na rinig ang ingay mula sa labas hanggang dito. Nang dumating ang huling bisita ni Driel tsaka na sila nag ingay. Dahil ala pang tawag o text si Yvane, humarap ako kay Auie at nagtanong.
