Pagtataka

4 0 0
                                    


Days went on at pinanindigan niya ang sinabi niyang aakyat siya ng ligaw. Araw-araw iba't ibang prutas ang nagigisnan namin sa pintuan isang malaking karton pa iyon at halatang fresh.

"Uy strawberry! Mahal 'to ah?" Sigaw ni Junard mula sa likuran ko. Siniko ko lang siya dahil sumigaw nanaman sa tabi ng tenga ko.

Kinuha ko ang papel na nasa ibabaw niyon "para sa iyo aking bulaklak"

Nagcringe ako ng kaunti sa kakornihan pero at the same time kinilig! First time kong makatanggap ng mga ganito hihihi!

Gulat kaming napatingin kay lola nang buhusan niya ito ng asin. "Lola bakit po?!" Sigaw ko sabay hawi sa tumpok ng asin sa ibabaw ng mga strawberry. Sayang!

"Mukang hindi masama ang isang iyon" bulong ni lola nang makitang walang nangyari sa strawberry na agad niya ding kinuha at binanlawan. Amp ano kaya 'yon?

Gumawa kami ng strawberry jam gamit ang regalo ni Justin dahil sobrang dami baka masira lang. Nakakaugalian ni lola'ng buhusan ng asin ang mga dumadating na regalo sakin pati na rin ako paminsan.

"Lola pano mo ba malalaman kung masama ang isang elemento?" Kalabit ko sakanya habang nagsasalin ng jam sa lagayan.

"Ibigay mo ito sakanya sabihin mo maraming salamat" inilagay ni lola ang isang malaking jar ng jam sa harap ko.

"Tingnan mo ang reflection niya sa tubig. Doon lalabas ang tunay niyang anyo" biglang pumasok sa kusina si Jules. Mukang tapos na sila ni Junard sa paggawa ng pulot.










"Rian!" Masayang kumakaway sakin si Justin mula sa malayo. Iba ang get up niya ngayon, nakashirt at pants. Inasar ko kasi kahapon na muka siyang prinsipe tapos ako parang tagasilbi.

"May pupuntahan tayo!" Nakangiti niyang hinawakan ang magkabila kong pisngi. Naalala ko 'yong sinabi ni Jules.

Lately kasi may napapansin kong kakaiba sakanya.

"Silip nga muna tayo sa bukal. Titingnan ko kung maayos ang muka ko" yaya ko sakanya. Tumango lang siya at humawak sa kamay ko.

Napabuntong hininga ako bago ko inilipat ang mata sa reflection niya sa tubig.

He was...

He was smiling at my reflection. Muka rin naman siyang tao except sobrang gwapo niya lang hehehehe.




Nagkukwentuhan kami sa daanan. Binabati siya ng ibang mamamayan na nandito, muka ngang galing sa mayamang pamilya.

"May gumugulo ba sayo?" Nagtatakang lingon sakin ni Justin. Kanina ko pa kasi siya tinititigan, masyado siyang unreal. Sobra akong namamangha at nahihiwagan sakanya.

"Wala naman. Malayo pa ba tayo?" Pag-iiba ko ng usapan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 26, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HIWAGA (Justin De Dios fanfic)Where stories live. Discover now