CHAPTER 2

459 9 1
                                    

EDWARD'S POV

Edward Mendez. Bente anyos. Tambay sa kanto at nagpapautang sa mga gustong umutang.

May-ari ako ng tatlong pampasaherong tricycle at isang jeep. Ngayon alam niyo na? kaya kahit di ako magbanat ng buto may kakainin ako.

Meron din akong paupahang mga bahay. San ko nakuha ang mga yun? Sa mga magulang kong maagang kinuha ng nasa taas.

3rd year college lang ang inabot ko. Wala lang tinamad na ako mag-aral simula ng makahawak na ako ng malaking pera.

Isa lang naman ang patakaran ko eh makakautang ka kung good payer ka at pag ikaw sumablay ng isang beses, wag mo na aasahang makakaulit ka pa.

Wala akong pakialam kung san mo gagamitin ang inutang mo basta alam mo lang kung paano magbayad.

At ngayon nga ibang klase ang pambayad sakin ni Aling Josie.

Wala naman talaga akong balak na tangggapin ang babaeng to. Ayokong makasuhan ng human trafficking noh.

Pero nagbago ang isip ko ng may binulong sakin si Bimbert.

"Diba gusto mo ng tigilan ka na ng mga babae dito sa lugar natin? At hindi sila naniniwala na may gf ka na? pwede mo yang gamitin. Sa ganda at kinis ng babaeng yan hindi na sila magtataka." sabi niya.

Kaya mas lalo kong tinitigan ang mukha niya na kahit kanina pa siya iyak ng iyak halata pa rin ang ganda nito. Ang mapupulang labi na ang sarap halikan. Ang maliit pero matangos na ilong at ang mga matang kahit na namamaga na sa kakaiyak hindi pa rin nagpabawas sa kagandahan nito. At ang legs ang puti at ang kinis halatang hindi tagarito. Ang seksi isang maiksing short ang suot niya ngayon. Napalunok tuloy ako ng hindi sinsadya pero nakayuko lang siya at nanginginig sa takot. Gusto ko nga sanang magalit kay aling Josie. Anong klaseng ina ba to.

Tinanggap ko na rin. Mapapakinabangan ko rin to.

At nang matitigan ko ng matagal ang mga mata niya. Takot ang nakita ko sa mga mata niya kaya binitawan ko na ang baba niya.

Umakyat na ako sa taas pagkatapos ko siyang utusang magluto.

Humiga muna ako sa kama pero hindi na mawala sa isip ko ang mukha niya at ang legs putcha, kahinaan ko kasi ang magandang legs at meron siya nun, Perfect.

Putragis naman oh ano bang nagyayari sakin pinikit ko na lang muna ang mga mata ko.

Kalahating oras na pero hindi niya pa rin ako tinatawag para kumain kaya naman bumaba na ako.

Pero laking gulat ko ng Makita ko ang sala.

"Puta! nanakawan ba tayo?" sigaw ko agad at tumingin tingin sa paligid nakita ko siya sa gilid at may dalang walis halatang gulat na gulat siya sa sigaw ko at parang nanginginig nanaman sa takot.

"I didn't get anything nilinisan ko lang, so messy eh." alangan niyang sagot.

Nakahinga ako ng maluwag akala ko ninakawan na ako.

" Your food is ready.. you can eat na if you want." nakayuko niyang sabi

"Bitiwan mo na yan at sumabay ka na sakin, ayokong mamatay ka sa gutom dito sa puder ko." sabi ko at dumerecho na ng kusina.

PAMBAYAD UTANGWhere stories live. Discover now