CHAPTER 1

706 11 1
                                        

VIVIENNE'S POV

Mag-iisang buwan na ako dito nang mamatay ang tatay ko ng masaksak isang gabi habang pauwi at mas lalo akong kinamuhian ng mga kasama ko sa bahay pinahirapan ng todo.

Ginagawa lahat ng gawaing bahay pag-uwi galing school. 

Nagtransfer ako sa isang public school dito malapit masyado na kasing malayo ang pinapasukan ko noon.

Wala namang problema sakin ang Public school basta lang makatapos kahit highschool. Though I'm like this, I'm still thankful to them kahit naman siguro ganun sila mahal nila ako diba? We're family eh.

But I think based on what's happening right now. Mali ako ng inakala.

Gusto akong ipambayad utang ng nanay ko sa isang taong pinagkakautangan niya ng malaking halaga.

Ako ang gusto niyang singilin sa lahat ng kamalasan daw na nangyayari sa kanila malaki ang naging utang niya sa taong to ng mamatay si tatay lahat daw ng pinanggastos nung lamay ay dito daw niya nakuha at sinisingil na siya dahil lagpas na siya sa deadline ng bayaran.

Naisip ko pano kaya siya makakabayad kung puro sugal naman ang inaatupag niya at ang mga ate ko na sana pwede ng magtrabaho ayun sa bahay nakahilata lang.

"Nay, please maawa po kayo sa akin uwi na po tayo." umiiyak kong pagmamakaawa hapon na kasi at marami ng taong nakatingin samin.

Huminto kami sa isang bahay na hindi masyadong malaki pero sa napansin ko ito lang ata ang semento ang pader siguro dahil mayaman nga siguro siya.

Kinakabahan ako sobra.

"Bossing Edward!!! Edward!!!" sigaw ng nanay ko..

Maya-maya pa biglang bumukas ang pinto at lumabas ang isang gwapong lalaki este bagong gising na lalaki.

"Ano ba yun aling Josie istorbo naman kayo oh, natutulog yung tao eh." sabi niya at nagkakamot ng ulo.

"Magbabayad na ako ng utang." mahinang sabi ng nanay ko mas lalo akong nagpanic.

"No.. !! nay pls let's go home.. nay pls.." pagmamakawa ko habang umiiyak at pilit na inaalis ang pagkakahawak niya sakin.

Kaya naman napatingtin na sakin yung Edward daw.

Tinignan niya ako mula ulo hanggan paa at pabalik sa mukha ko. Nagsmirk siya mas lalo akong nagpanic. Iniwas ko agad ang tingin ko.

"Bossing sige na, tanggapin mo na to gawin mong alila mo o kung anong gusto mo." mahina pa rin ang pananalita niya. Natatakot siguro siyang marinig ng mga tao.

Tuloy-tuloy pa rin ang agos ng luha ko. Nararamdaman kong sakin pa rin nakatingin yung Edward.

Maya-maya pa may lumapit na isang lalaki.

"Uy~~ bebot" sabi niya. Mas lalo akong kinabahan.

"Bossing ano? sige na para kwits na tayo tanggapin mo na to." Ilang sandali pa at may binulong ang lalaki sa tabi niya.

Maya-maya pa.

"Ok sige pwede na yan." na paangat agad ang ulo ko.

"Nay please wag mo akong iwan nay." halos mamaos na ako sa kakaiyak.

Hinarap ako ng nanay ko at hinawakan sa magkabilang braso.

"Gawin mo na lang to para samin ng mga ate mo isipin mo na lang yung mga pinakain namin sayo yung tulong na binigay namin pati na yung pagpapatira sayo." sabi niya "sige na at wag mong babalaking tumakas ipapapulis kita at sasabihin kong magnanakaw ka." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

Napaupo ako sa mga nangyayari. ang alam ko na lang naiwan na ako sa terrace ng bahay ni Edward.

"Hindi mo naman siguro balak dyan matulog. Pumasok ka na." balewala niyang sabi sakin.

Wala na rin ang mga tao. para ngang wala lang ang mga nangyari.

Tumayo ako kahit nanghihina pa. Pagpasok ko hindi ko alam kung bahay ba to ng tao o ng mga baboy ang dumi at amoy alak sigarilyo ang buong bahay hindi ako makahinga sa amoy.

May hika ako since 5yrs old ako kaya di ako pwedeng maexpose sa alikabok o mapagod ng husto.. buti na nga lang pag inaatake ako naagapan ko agad ng nebulizer at ang perang pinangbibili ko ng gamut ay yung natirang bigay sakin ni tatay bago siya mamatay at yung natitira sa baon na binibigay ni nanay pag nanalo siya sa sugal at kung wala talaga lumalapit ako kay mamita.

Nalaman ko na siya ang dahilan kung bakit nagkakilala ang mommy at ang tatay ko. Malaman kong kaya iniwan ng mommy ko ang tatay ko noon na kahit na isang taon ako dahil grabe daw ito sa sugal at sa inum. Dating magbarkada si mamita at ang Mommy ko sabi niya nga kung may pera lang daw talaga siya aampunin niya ako pero may pamilya din kasi siyang binubuhay.

"Ayus din ang nanay mo nuh lahat gagawin makabayad at makautang lang." sabi niya habang umiinom ng tubig pero ako nakuyuko lang at tuloy-tuloy pa rin ang luha ko.

"Can I ask something?" sabi ko pero hindi pa rin tumitingin sa kanya. "Ayus ha, ano yun?."

"How much did I worth?"

"Wag mo ng alamin at baka bumaha pa ng luha mo dito at pwede wag mo akong iniiengles baka dugo ko ang bumaha dito." ani niya. "ilang taon ka na?" tanong niya.

"17"

"Pangalan?"

"Vivienne" sabi ko pero ganun pa rin ang luha ko.

Lumapit siya sakin. Kinabahan ako kaya naman napaatras ako ng nakayuko.

Nang pader na ang nasa likod ko huminto na rin siya at hinawakan ako sa baba at inangat ang ulo ko.

Tinitigan niya ako sa mata na tuloy pa rin ang agos ng mga luha ko. Ilang minuto niya rin akong tinitigan.

"Nagugutom na ako. Magluto ka na" sabi niya at tumalikod.

PAMBAYAD UTANGWhere stories live. Discover now