VIVIENNE'S POV
Sa totoo lang nakakatakot siya ha.
Hindi naman niya kailangan sumigaw eh para siyang mga ate ko na kapag kinakausap ako kailangan high pitch hindi naman ako bingi.
Umupo na rin ako pero hindi ako makatingin sa kanya kasi natatakot ako.
Nagprito lang naman ako ng isda dahil yun lang naman ang nakita ko sa loob ng ref eh.
Kumakain na kami ng maalala ko ang mga damit ko.
"Ahm" natatakot akong magsalita bigla.
"Ano!?" -siya habang kumakain.
"Hmm.. when can I get my things?" nakayuko pa rin ako.
Hindi siya sumagot agad kaya tumingin ako sa kanya at nakatitig lang siya sakin. Natawa siya bigla.
"Why?" mahina kong tanung at yumuko ulit
"so talagang magstay ka dito?" sabi niya.
Bigla akong nabuhayan ng loob so ibig sabihin ayaw niya na nandito ako?
"What do you mean? Pauuwiin mo na ako?" masigla kong sabi.
"Bahala ka.. pero dapat mabayaran ako ng nanay mo sa mga utang niya marami akong kilalang pulis kaya madali lang para sakin ang ipakulong ang nanay mo oras na takasan niya ako." seryoso niyang sabi.
Naibagsak ko tuloy ang mga balikat ko bumagsak nanaman ang mga luha ko pinunasan ko agad yun hindi na ako nagsalita at kumain na lang.
"Aalis lang ako. Bahala ka kung aalis ka o hindi." sabi niya at umalis na nga.
Ano ba ang gagawin ko? Ayoko dito.
Nakakailang siyang kasama parang lagi siyang galit. Laging sumisigaw tapos grabe kung makatingin. Pero kung aalis naman ako makukulong si nanay mas ayoko namang mangyari yun sila na lang ang pamilya ko dito. Kahit sabihin pa na ganun sila tinulungan pa rin nila ako, pinapakain at pinayagan pa ring mag-aral.
Speaking of pag-aaral panu na pala yun. Payag kaya ang Edward na yun na mag-aral pa rin ako?
Hinugasan ko muna ang pinagkainan namin. Umupo ulit ako sa sofa at pinagisipan ang dapat kong gawin.
Napasandal ako at pinikit ko ang mga mata ko. Hindi ko namalayan may mga luha nanamang umaagos.
"Mommy.." mahina kong sabi. "Mommy anong gagawin ko." habang umiiyak.
Maya-maya pa nakaramdam na ako ng antok.
YOU ARE READING
PAMBAYAD UTANG
Fiksi PenggemarSi Vivienne ay ginawang pambayad utang ng kanyang madrasta sa kaniyang pinagkakautangan at nagbago ang kanyang buhay dahil sa lalaking kanyang makikilala.