CHAPTER 9

746 13 14
                                    

EDWARD'S POV

Hindi ko alam pero grabe yung kaba ko nang marinig ko ang sigaw niya kanina sa kusina.

Kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong pagsusuntukin si Victor, isa rin siya sa mga barkada ko na bukod kay Jhonny siya ang sunod na pinakamanyak.

Hindi ko nga alam kung paano napasok to sa grupo namin.

Tuwing biyernes kasi nakasanayan na ng tropa ng mag-inuman dito sa bahay.

Gusto ko nga sanang icancel muna kaya lang maaga silang nagsidatingan.

Bago pa kami magsimula kaninang mag-inuman sinabihan ko na silang walang gagalaw o kakausap sa babaeng makikita nilang bababa galing sa second floor. 

Alam ko na ang style ng mga tarantadong to eh iisipin nilang tapos ko ng gamitin kaya mag uunahan na sila sa paggamit.

Pero mukhang hindi nakatiis ang tarantadong Victor na yun.

Pagbaba ko ng sala nandun pa rin sila, pero wala yung Victor panigurado dinala na nila sa tambayan. Bahay ko rin ang tamabayan na yun pero walang laman sa loob as in wala talaga.

Flywood ang ding-ding at mababa lang ang bubong tinatamad akong ipagawa dahil sa mga tarantadong to. Yung iba ginagaw na ring motel yun.

"Bossing anong gusto mong gawin namin dun?" sabi ni Jhonny.

"Patikimin niyo ang gagong yun, hindi ako pwedeng umalis ngayon." sabi ko.

"Okay boss" palabas na sila ng Makita ko ang itsura ng sala.

"Teka.. bago kayo lumayas linisin niyo tong sala kung ano ang itsura kanina dapat ganun at hugasan niyo lahat ng nasa lababo" utos ko sa kanila.

Wala namang nagreklamo. Dapat lang dahil kung meron makakatikim talaga.

Umakyat na ako sa taas.

Ng pihitin ko ang pinto. Naka-lock nga ito. Grabe siguro ang takot niya kanina. Kaya naman kinuha ang susi sa ilalim ng basahan.

Pagpasok ko nakita ko ang pinagkainan niya. Hindi ito nangalahati. Nakita ko siyang nakahiga na.

Lumapit ako at umupo sa gilid ng kama. Inalis ko ang buhok niya na nakaharang sa mukha niya.

Hindi ko mapigilang tumitig sa kanya.

Nakita ko nanaman na basa ang mukha niya sa luha. Napailing ako. Pinunasan ko yun gamit ang kamay ko.

Hinubad ko ang Tshirt ko. 

Sanay akong nakabrief lang pag natutulog pero dahil sa kanya tinitiis kong magshort. Humiga na ako sa tabi niya.

Akala ko pa naman pwede na ngayon, pero sa sitwasyon niya ngayon mukhang mahirap.

Nang makahiga ako sa tabi niya, nagulat ako ng automatic na yumakap siya sakin.

Siniksik niya ang mukha niya sa dib-dib ko kaya naman tumagilid ako paharap sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

Ano bang nagyayari sakin?? Pinambayad utang lang siya sakin pero bakit ganito ang pakiramdam ko.

Diba dapat katulong siya dito sa bahay? Sabagay ginagawa niya naman ang trabaho niya pero iba eh.

Alam mo yung pakiramdam na gustong-gusto mo siyang protektahan, na ayaw mo siyang nakikitang umiiyak at nasasaktan.

Nilagay ko ang braso ko sa ilalim ng ulo niya para maging unan niya. Kaya mas lalong napalapit ang mukha niya sakin.

Tinitigan ko yun na parang kinakabisado, pero mas matagal ang titig ko sa maliit pero mapupula niyang labi. Parang gusto kong maglaway bigla, hinalikan ko siya sa labi pero sandali lang baka magising siya.

Niyakap ko siya ulit at tsaka pinikit ang mga mata ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 16, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PAMBAYAD UTANGWhere stories live. Discover now