EDWARD'S POV
Ilang oras lang ang tulog ko.
Paano ba naman hindi ako mapakali na may katabi akong babaeng may magandang legs pero hindi ko mahawakan.
Putcha PARUSA!!
Nagtataka nga ako kung bakit hindi pwede eh ako na ang may ari sa kanya. Siguro dahil naaawa ako??? Ay ewan!!
Paggising ko wala na siya tumingin ako sa orasan at alas nuebe na pala.
Pagtingin ko sa higaan niya nakita ko doon ang nakatuping damit na gamit niya kagabi.
Bumaba na ako pero wala pa rin siya.
Nagpunta na ako ng kusina para magahanap ng makakain.
Pero napatitig ako sa lamesa na may mga pagkain kanin at ibat- ibang klaseng luto ng itlog at corned beef.
Pagkaing tao ang nakikita ko nakaramdam ako lalo ng gutom. Kapag umaga kasi karaniwang deretso ako sa tindahan bili ng tinapay at softdrinks at yun na ang agahan ko.
May nakita akong note.
Hi. Good Morning.
It's Friday today may pasok ako.
You agreed for me to continue my studies right?
I prepared your breakfast na.
I will be late sa pag-uwi. I'll get my things na and other stuff sa bahay nila nanay.
May food ka na rin sa ref for your lunch. Initin mo na lang.
PS: Can I have a very small request? Pwede wag kang magkalat?
-Vivienne
Napangiti ako sa note na yun. As in talaga.
Lalo na sa PS part.
Lalantakan ko na sana ang pagkain ko ng biglang magsipasukan ang mga barakada ko. Oh diba at home na at home ang mga gago.
"Oh wow!!! Boss bahay mo ba talaga to?" sabi ni Kevin. Hinawakan pa nila ang mga gamit para siguraduhing malinis napailing na lang ako.
"Boss mukang ,magaling ang nakuha mo this time ha." sabi naman ni Louie "manahamik nga kayo, lumayas na kayo" pero lumapit pa rin ang mga ugok.
"Wow na wow bossing pagkaing tao ang pagkain natin ngayon ha." sabi naman ni Jhonny.
Uupo na sana sila para kumain ng pinigil ko.
"oh-oh-oh.. anong gagawin ninyo?" sabi ko at pinatayo ulit sila "Boss kakain syempre." sabi ni Jhonny.
"diba sabi mo pagaking tao to?" sabi ko
"oo"- siya
"oh, edi hindi sa inyo pwede to magsilayas kayo malalason kayo pag kinain niyo to" sabi ko at tinulak sila palabas ng kusina.
Umupo na ako ulit at kumain.
Hindi talaga sila umalis at sa sala nanggulo.
May naalala ako bigla
Agad akong pumunta ng sala.
Nakita kong nagsisimula na silang manggulo ng mga gamit yung mga magazines na maayos nagugulo na.
"Hoy!! ibalik niyo yang mga kinalat niyo ha papatayin ko kayo pag iniwan niyo yan ng magulo." sabi ko habnag tinuturo sila.
Nakita kong nagkatinginan sila pero di ko na pinansin.
Pagkatapos kong kumain balik sa dating gawi na ako.
Naniningil sa mga pautang, tambay sa mga tindahan habang nagpapacute ang ilang chikas.
Pero hindi ko maalis sa isip ko ang mukha ng babaeng yun.
Habang umiiyak.. Nagugulat.. Natatakot.. at pag Nakangiti.
Tinignan ko ang orasan. Mag-aalas dose na kaya umuwi na ako para kumain. Binuksan ko ang ref at nakita ko dun ang isang mangkok na pinakbet. San niya nakuha ang perang pinangbili dito.
Ininit ko muna ito bago kumain.
Hinugasan ko na ang pinagkainan ko.
Pagpunta ko ng sala. Eksaktong dumating si Kuya Warren.

YOU ARE READING
PAMBAYAD UTANG
Hayran KurguSi Vivienne ay ginawang pambayad utang ng kanyang madrasta sa kaniyang pinagkakautangan at nagbago ang kanyang buhay dahil sa lalaking kanyang makikilala.