Sorry guys for the super late update nagkaprob kasi tsaka ineedit kopa kasi siya bago ko update para mas okay basahin. Pasensya na talaga babawi ako guys. Lovelots.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
VIVIENNE'S POV
Ilang oras din ang tinagal ko sa pag-aayos ng tinignan ko ang oras.
Nanlaki ang mga mata ko.
Alas-otso na?? ilang oras ba ako dito? Naku baka nagugutom na yung Edward na yun at masigawan nanaman ako.
Agad akong nagbihis ng pajama at pinalitan ko na rin ang suot kong shirt dahil natuyuan na rin ng pawis.
Ang lakas ng tug-tgg ng speaker sa baba, agad-agad akong tumakbo pababa.
Pero pagbaba ko...
Mas doble ang gulat ko ng makita kong ang daming lalaking nag iinuman, may mga babae din, ano bang meron?
"Uy.. Bebot.." sabi ng isang lalaki.
Napatingin tuloy lahat sila sakin.
Natakot ako bigla.
Napatakbo agad ako sa kusina.
Nasa harap ako ng lababo dun kasi yung part na medyo hindi kita mula sa sala ng biglang may humawak sa balikat ko.
"Okay ka lang?" si Edward
Humarap ako..
"Yeah..Uhm.." pero nangignginig na ako sa takot.
Bakit kailangan nilang dito mag inuman? May phobia na ako sa mga lasing.
Nung lamay kasi ni tatay dati gabi-gabi may saksakan na nagaganap pagkatapos ng inuman.
Naalala ko bigla yung pagkain.
"By the way, did you eat already? You should eat first before drinking." sabi ko. seryoso pa rin yun tingin niya sakin, okay mukang ayaw niya ng pakialamera. "I'm sorry" napayuko nanaman ako lagi na lang ba akong ganito tingin pa lang niya napapayuko na ako.
Tinaas niya ulit ang mukha ko.
"Tapos na akong kumain.. Dalhin mo na lang sa taas ang pagkain mo at dun ka na kumain ."
"Okay" yun naman talaga ang balak ko eh.
Umalis na siya at bumalik na sa sala.
Nagsasandok na ako ng pagkain ng biglang may humawak sa balikat ko ulit.
Si Edward ulit??
Pero laking gulat ko na ibang lalaki.
"Hi" sabi niya sabay lapit ng mukha niya sakin at hawak sa bewang ko.
"Sino ka?" palag ko agad sa kanya halatang nakainom na ito pero hindi pa naman ata lasing.
Pero mas lalong nilapit niya ang mukha niya sakin.
"Ano ba!! Don't touch me!!!!" sabi ko at inaalis ang kamay niya.
"Wag ka ng pakipot" hinawakan niya ang pisngi ko at pilit na nilalapit ang labi niya sa leeg ko, naiiyak na ako satakot.
"Edward!!!!!" sigaw ko hindi ko alam pero siya yung naisip kong pangalang isigaw.
Maya-maya pa naramdaman kong may naglayo sa kanya sakin at nakita ko na lang na pinagsusuntok na siya ni Edward.
"Putang ina mo!!!!! diba sabi ko naman na wag ninyong papakialaman!!!!" wala pa ring tigil ang suntok niya dito.
Para akong nanghina. Nanginginig na ako sa takot.
Naramdaman kong lumapit sakin si Edward at tinayo ako sa pagkakaupo ko ng matignan ko siya sa mukha hindi ko na napigil ang sarili ko at sumiksik sa dib-dib niya.
Doon na talaga ko humagulgol ng sobra naramdaman kong mas lalong humigpit ang yakap niya sakin.
"Tama na yan.. tapos na wag ka ng umiyak." sabi niya pero mas lalo akong naiyak. Nagcocomfort ba siya o pinapagalitan pa ako? "Doon na tayo sa taas" sabi niya.
Pagdating namin ng sala nandun pa yung ibang lalaki. Nilayo ko ang tingin ko sa kanila at mas lalong dumikit kay Edward. Oo na safe ang pakiramdam ko pag katabi ko siya.
"Walang aalis ha. Mag-uusap tayo at wag niyong papakawalan ang tarantadong yun" hindi ko nagets yun dahil tuliro pa ako.
"Oo bossing" sabay sabay na sabi nila.
Pag-akyat namin sa kwarto may kasunod kaming isang lalaki. Dala niya yung pagkain ko sana.
Pinaupo niya muna ako at kinuha sa lalaki ang pagkain at pinalabas agad. Hinila niya ang upuan at dun nilapag.
"Kumain ka na muna.. Baba lang ako sandali .." aalis siya? Nakaramdam ako bigla ng takot panoo pag pumasok bigla yun dito.
Aalis na sana siya ng hawakan ko ang lower part ng damit niya. Nakayuko lang ako.
Lumuhod siya at pinunasan ang mga luha ko.
"Babalik din agad ako, gusto ko pagbalik ko tapos ka ng kumain pwede mong i-lock tong pinto sa kwarto may susi naman ako tsaka sa sala lang ako" sabi niya.
Tumango na lang ako.

YOU ARE READING
PAMBAYAD UTANG
FanfictionSi Vivienne ay ginawang pambayad utang ng kanyang madrasta sa kaniyang pinagkakautangan at nagbago ang kanyang buhay dahil sa lalaking kanyang makikilala.