CHAPTER 7

393 5 2
                                    

VIVIENNE'S POV

Maaga akong umalis kanina sa bahay dahil kailangan ko pang magpalit ng uniform kina nanay.

Sa bahay na ako ng edward na yun naligo para bihis na lang pagpunta ko kila nanay.

Buti na lang at tulog pa silang lahat kaya hindi ako napansin.

Inayos ko na ang maleta ko at iba pang gamit.

Kasi naman kahit ilang buwan na ako dito nakatira wala akong sariling cabinet. Dadaanan ko na lang to pag-uwi galing eskwela.

At ngayon nga pauwi na ako at kukunin ko na ang mga gamit ko.

Pagpasok ko pa lang nakita na ako agad ni nanay.

"Anak ng demonyo naman oh!!  anong ginagawa mo dito?!!" sigaw niya agad sakin pinilit kong wag mapaiyak.

"Nay... kukunin ko lang po yung mga gamit ko." sabi ko.

"Mabuti naman akala ko tumakas ka eh, makakatikim ka talaga sakin." Pumasok na ako sa kwarto at dinala ko na agad ang maleta ko.

Paglabas ko wala na si nanay kaya naman sinirado ko na lang ang pinto.

Mag-aalas tres na ng tangahali at dahil lubak-lubak ang daan nahihirapan akong dalhin tong maleta tapos may dalawa pa akong bag at yung gamit ko pa sa school nang biglang may humintong trycicle sa tabi ko.

"Sakay na.." sabi ng driver.

"Naku hindi na po, wala po akong pambayad." sabi ko.

"Okay lang pinapasundo ka talaga ni Bossing Edward." sabi ulit ng driver. 

Bumaba siya at kinuha ang maleta ko at sinakay na sa trycicle.

Pagdating ko nakasirado ang pinto.. kaya pinalagay ko na lang kay manong Romy ang mga gamit ko sa tapat ng pinto.

Wala nanaman siguro ang lalaking yun dito. O baka tulog nanaman?

Binuksan ko na ang pinto at pinasok ang mga maleta ko at ng makapasok na sinirado ko na ulit ang pinto.

pero...

"AhhhhhggHHh!!!!" sigaw ko. 

Agad akong tumalikod at tinakpan ang mukha ko.Narinig kong may tumakbo pababa galing sa second floor.... si Edward.

"Mga Putang Ina ninyo.!!!! Ginawa niyo pang motel tong bahay ko! Layas!  Gago ka talaga Jhonny dun ka sa bahay mo pumutok tang-ina mo." nakita niya na rin siguro binato niya ito ng magazines.

Kasi naman nakapatong yung babae sa lalaki at gumagalaw tapos nakapasok yung kamay ng guy sa damit nung girl.

"Bossing naman eh.. malapit na eh.." sabi nung lalaki.

"Gago!!!" sigaw ni Edward

Agad namang nagsitakbuhan ang dalawa narinig ko ang pagkakasara niya ng pinto.

Ganun pa rin ang posisyon ko.

"Okay na, wag mo na lang intindihin yun. Masanay ka na." sabi niya. Tumingin ako sa kanya pero binawi ko rin agad ang tingin ko.

"Umakyat ka na sa taas at magbihis." umupo siya at binuksan ang TV. "By the way, Thanks" sabi ko. Tinignan niya ako na parang nagtatanong,  "About sa trysicle." Sabi ko.

"Sa bigat niyang mga dala mo magakakalas-kalas yang mga buto mo." 

Umakyat na ako sa taas. pero dahil nga mabigat nahirapan akong iakyat. Nagulat ako ng bigla niyang binuhat ang maleta ko na parang wala lang at nauna ng inakyat sa taas. Napangiti naman ako. Akala ko puro kasungitan lang alam nito. Pagpasok namin sa kwarto nailang nanaman ako.

PAMBAYAD UTANGWhere stories live. Discover now