EDWARD'S POV
Sa totoo lang wala naman akong balak na umalis ng bahay kaya lang hindi ko na matagalan na Makita ang babaeng yun na umiiyak.
Kaya naman nandito ako ngayon sa tambayan at nadatnan ko agad ang mga barkada kong pariwara ang buhay napailing agad ako ng makita ko sila. Wala na bang ibang gagawin to sa mga buhay nila kundi maging palamunin ng magulang kumpleto naman sana ang parte ng katawan pero wala na akong pakialam sa kanila.
"Boss balita namin may bagong bebot ka daw at makinis daw ha sabi ni Bimbert." Sabi ni Kevin na pinamanyak sa lahat.
"Ano naman ngayon?" tanung ko at sinidihan ang sigarilyo.
"Baka pwedeng paarbor pagkatapos mo?" tanong niya.
Ewan ko ba sa mga to pagkatapos ko kasing magalaw binabanatan na nila pagkatapos at ang mga babae naman ready to go naman.
Napailing na lang ako.
Ilang oras din ang tinagal ko dito. Hindi ko alam kung maabutan ko pa ang babeng yun sa bahay o hindi na sa totoo lang, hindi ko naman ipapapulis si Aling Josie..Abala lang yun sa sakin wala rin naman akong mapapala eh.
Pero hindi ko alam kung bakit nasabi ko yun sa unang pagkakataon nakita ko siyang ngumiti ng sinabi kong bahala siya kung aalis siya.
Nang nakita ko ang ngiting yun para namang gusto ko na yun laging makita. Kaya sinabi kong ipapakulong ko na lang ang nanay niya pag hindi siya nagbayad ng utang. Nakita ko agad na tumulo ang luha niya. Gusto kong pukpukin ang ulo ko pero nasabi ko na at wala na akong balak pang bawiin yun.
Alas onse na ng umuwi ako. At nagulat ako ng Makita na nandito pa rin siya.
Nakahiga siya sa sofa at ng ginala ko ang mga mata ko hindi nakalampas sakin ang mapuputi at makinis niyang legs.
Putragis naman oh!! eto nanaman tayo.
Lumapit ako at umupo sa lamesa sa harap ng sofa at tinignan siya.
Nakita kong may namuong luha sa isa niyang mata.
Nakatulog siguro siya sa kakaiyak.
Hindi ko namalayan na tinititigan ko na pala siya.
Bigla akong bumalik sa katinuan ko at iniling ng ilang beses ang ulo ko. Aakyat na sana ako ng biglang.
"Mommy.." bigla siyang nagsalita.
Tumingin ulit ako sa kanya pero nakapikit pa rin siya. Nananaginip siguro.
" I miss you so much" at tuluyan na ngang bumgsak ang luhang namuo sa kanya kanina.
Mommy? Si Aling Josie ? mommy? Rinig ko kanina nanay ang tawag niya dito. Bumalik ako sa pagkakaupo sa lamesa at tinignan ko ulit siya.
Hindi siya kamukha ni Aling Josie at ng mga anak nito. At ang pananalita rin nito ibang-iba.
Nakita kong tuloy-tuloy nanaman ang bagsak ng luha niya. Binabangungut na yata tong babaeng to.
Tinapik ko na siya sa balikat.
"Uy.. gising.." sabi ko.
Hindi pa rin siya gumagalaw.
"Uy.. gising babae gising.." at mas nilakasan ko ang yugyug ko sa kanya. Doon na siya nagising talaga.
Napaupo agad siya ng makita ako pinunasan niya agad ang mga luha niya. Tumingin siya sakin ng deretso pero halatang may takot parin.
"I will stay. Huwag mo lang ipapakulong ang nanay ko." sabi niya sabay yuko ulit. Napangiti ako.
"Okay. ikaw ang bahala." sabi ko at tumayo na at umakyat sa taas.

YOU ARE READING
PAMBAYAD UTANG
FanfictionSi Vivienne ay ginawang pambayad utang ng kanyang madrasta sa kaniyang pinagkakautangan at nagbago ang kanyang buhay dahil sa lalaking kanyang makikilala.