CHAPTER 5

388 3 1
                                    

VIVIENNE'S POV

So ganun-ganun na lang yun? Umalis siya ng hindi man lang kami nag-uusap ng matino?

Para nanamang lumulutang sa ulap ang utak ko.

Maya-maya pa nakita ko siyang pababa ng hagdan at may binato saking damit???

"Hindi mo naman siguro gustong matulog na ganyan ang itsura." sabi niya.

Tinignan ko ang sarili ko ang dumi ng damit ko pati na rin ang short ko. Ang lagkit na nga ng pakiramdam ko eh.

"Maligo ka ayoko ng may katabing mabaho."

Sabi niya at tumalikod na.

Ano daw? Katabi? Pipigilan ko sana siya pero wala na siya. Anong ibig niyang sabihin?

Oh my Ghad. Sana mali ako ng iniisip.

Pumunta na ako ng CR ng tuliro pa rin.

Pagkatapos kong maligo nakita ko siya sa sala at nanunuod ng TV.

Natatakot nanaman tuloy ako eh kasi naman wala akong undies na suot tapos tong binigay niyang damit na kanya yata half of my legs lang ang inabot na kapag tinaas ko pa ang kamay ko kita na pati kaluluwa ko.

Hindi agad ako lumapit at tumayo lang banda sa kusina. Bakit ba hindi uso sa bahay na to ang kurtina.

Sana hindi siya lumingon. At sana mainip siya sa kakahintay at umakyat na lang. Pero mukhang nilubos ang kamalasan ko ngayon at lumingon siya sakin. "Ano pang ginagawa mo dyan?" nagulat ako ng marinig ang boses niya.

 Nakayuko akong lumapit sa kanya tumayo ako sa gilid ng sofa "Sumunod ka na sakin." Pinatay niya ang TV at umakyat sa taas. Alangang sumunod ako sa kanya.

At nang papasok na kami sa isang kwarto hinawakan ko siya sa isang braso.

"Please.. I know that I don't have any choice but to give "it" to you but please not now???" alangan at nakayuko kong sabi.

Hindi agad siya nagsalita.

"Buti at alam mong wala ka talagang pagpipilian. Huwaag kang mag-alala di pa ako ganun katigang." sabi niya. "Magtatabi lang tayo muna sa ngayon. Ayokong matulog sa sofa dahil paniguradong sasakit ang katawan ko at hindi kita pwedeng patulugin sa sofa dahil panigurado kinabukasan papapakin ka ng mga manyakis kong barkada." sabi niya pumasok na talaga sa loob.

Pagpasok namin ganun ulit tao ba talaga ang natutulog dito o hayop? Ang mga damit pantaloon at shorts nagkalat kung saan yung mga unan walang pillowcase yung kumot parang hays... EWAN!!!

Humiga na siya. Hindi ko alam kung paano siya nakakatagal sa kwartong to. Lumapit na rin ako at inalis ko ang mga damit na nasa hihigaan ko. Umupo muna ako.

"Ahmm....." gusto ko siyang tanungin about sa pag-aaral ko.

"Ano nanaman?" siya. Medyo inis yung tono niya kaya kinabahan tuloy ako. Tumahimik ako ulit at yumuko.

"Okay sige. Ano yun?" mahinahon niya ng tanong.

Dun na napaangat ang ulo ko.

"Kasi... about sa pag-aaral ko..? can I still continue it? Isang buwan na lang naman graduation na eh."

Sumandal siya at tinignan ako binawi ko agad ang tingin ko "Anong year mo na ba?"

"4th year.."

"Okay ikaw bahala."

Nakahinga ako ng maluwag dun.

"Salamat" nakasmile kong sabi. Ito na ang pinakamagandang salitang narinig ko ngayong araw.

Dahan-dahan kong inangat ang mga binti ko. Kaunting maling galaw makikita ang ano ko at alam kong nakatingin pa rin siya sakin nararamdaman ko yun.

Kinumutan ko agad ang sarili ko gusto ko sanang magtanong kung isang kumot lang ba ang gagamitin namin pero bigla nanamang umurong ang dila ko.

Wagas kasi kung makatitig eh.

Tumalikod na ako sa kanya at humiga na.

Sana lang talaga wala siyang gawing milagro.

Kahit pa gwapo siya hindi pa rin tama.

Pinikit ko na ang mata ko at pinilit makatulog.

PAMBAYAD UTANGWhere stories live. Discover now