➼ Finally... ⦾

4 0 0
                                    





I quickly picked up the call button. He's the only one I can call, and besides, he's the only one I have contact with. 

Wala akong maasahan bukod sa kanya...

I hopingly bite my finger. Sana, sana sumagot ka please. Wala na akong matatawagan bukod sayo! "Please, pick up."

Kabado akong nag-aabang ng pagsagot niya sa tawag ko. After three solid calls, he answers! "H-Hello? Sabrina, seriously tho? gabing-gabi na." Putol-putol ang pagkakasabi niya pero hindi ko na ito pinagtuunan ng pansin at dali-daling nagsalita.

"Sanny! I'm trapped inside the theme park! I need help-!" Kumunot ang noo ko sa pagkaasar at pagpa-panic!

"He-llo, chopp-y ka-" Putol-putol ang linya niya. Muntik ko ng hindi maintindihan! Shit! Now, I'm biting my fingers harder. Napasabunot ako ng buhok saka napabuga nang hangin. Ano ng gagawin ko?!  

"Kamusta? Nag-g enj-joy kaba?"

Yeah not until this shit happened!

"I need help, Sanny!" Biglang may tumunog na nakakabingi sa telepono kaya nailayo ko ito sa tenga. Mas asar kong tinignan ang telepono saka dali-daling nilapit ulit sa tenga. H'wag kang mawala! Sinasabi ko sayo Sanny... Masasabunutan kita pagnakaalis ako dito!

"Hello?" pagtawag ko ulit.

"Hindi kita maintindihan. Nagsasalita ka ba?" Napaupo ako sa semento. I am done. I am a dead meat now. Napatitig ako sa harapan habang nakikinig sa halos hindi ko maintindihan na salita. "Call ka ulit-"

The call ended.

And I did what he said...

Isang tawag, dalawang tawag, tatlong tawag, apat, lima, anim, pito, walo... hanggang sa halos pudpudin ko na ng mga daliri ang call botton! 

Pero walang sumagot!

"Nothing!" I almost throw the phone out of frustration. I cannot believe this! "Ah! Useless!"

I tried to message him, but the message didn't get through! Ayaw mag-send! Napamura ako ng matindi at kinagat ang ibabang labi para pigilan ang sariling lumikha ng tunog. 

Wala naring signal dito! Sa lahat ba naman ng araw ba't ngayon pa?

Masama kong inikot ang mata sa lugar, animong kaaway ko ito. Kahit magsisigaw ako dito ay wala namang kwenta!

Bakit? Kasi malayo ito! Kumbaga ay walang malapit na mga nakatayong building sa lugar. Ang malapit lang dito ay mga kalsada.

Paniguragong hindi nila ako maririnig kaya wala ring mangyayari. Pero kung susubukan ko-

Napapikit ako saka tumayo ay medyo lumapit sa gate. Huminga mula ako nang malalim bago bumwelo sa pagsigaw. "Tao po! May tao dito sa loob nang theme park!" I'yon na lang ang sinigaw ko, hindi ko rin alam kung ano.

Mga ilang beses ko itong sinigaw hanggang sa hingalin at pagpawisan. Hindi ito gagana! Napatingin ulit ako sa telepono. "Ilaw?" P'wede ba?

Dali-dali kong binuksan ang ilaw sa telepono saka tinaas. Makikita ba nila 'toh?

Kahit walang kasiguraduhan ay tinaas ko parin ang telepono saka winawaggaygay. Bahala na! Gagawin ko na ang lahat para lang makaalis dito! Sinabayan ko narin ito nang malakas na sigaw.

Pero umabot ako ng ilang minuto ay wala paring nangyayari kaya tumigil ako at lumakad pa atras. Napagod ang lalamunan ko kakasigaw! Mabigat at asar akong bumuga ng hangin.

TrenchantWhere stories live. Discover now