➼ Alcinder ⦾

4 0 0
                                    




"If there is one thing that I had regretted in my lifetime... It is the fact I didn't protect the book at all cost."

"Hindi dapat ako- kami naging kampante."

Sa kasagsagan ng panahong isang libot siyam na daan at siyam na put siyam ng nobembre ay ang kasagsagan ng mga karumal dumal na krimen sa bayan ng weekwood. Maraming mga magnanakaw o sumusuway sa batas.

Patuloy na pagkwento ng lalaking nagngangalang Alcinder Ave sa binatang lalaki na si Kianne.

Nasa bahay na sila ni Alcinder, naka-upo sa mahabang kahoy na upuan. Tulog ang kasama ni Alcinder sa bahay.

Noong ika-labing-isa ng buwan ay dito nagsimula ang pangamba nila Alcinder at ng kanyang ama. Dito nawala ang librong pilit nilang binabaon sa mga alalang dapat ng mawala.

"Sa dalawang taon paghahanap ng libro ay hindi namin matukoy kung sino ang salarin." Kita sa mukha ng lalaki ang labis na pangamba habang inaalala ang nakaraan. "Hindi rin namin masabi sa iba ang librong nawawala dahil magdudulot ito ng kaguluhan. Maraming magagalit o matatakot."

"Bakit nga ba kinuha ang libro?" Takang tanong ni Kianne. That person knew what exactly inside the book, that is one thing he is sure about.

Umiling ang kausap, "Hindi namin alam at hindi inalam pa... Pero sa isang aksidente noong nobembre ay doon namin natagpuan ang libro."

"Tustado ang buong bahay pero may isang gamit ang hindi man lang nasunog..."

"It's the book." 

Alcinder nodded at what Kianne said. "Gusto sana namin magusisa nguni't hindi na ginawa."

"Bakit?" 

"Dahil noong araw na 'to nililibing ang isa sa membro ng pamilya. Nasa kalagayan sila ng pagkabigla kahit ilang araw na ng lumipas."

"Pano ninyo nakuha ung libro?"

"Tinanong ko at mabilis nila itong binigay sakin ng walang tanong. Na para bang ayaw na nila itong mahawakan pang muli."

"Nasa inyo na ang libro?" 

"Oo, nakatago 'to."

Napalunok si Kianne bago humingi ng kaylangan, "P'wede ko ho bang makita-" 

"Hindi." Mariing saad ng kung sino. Mabilis silang tumingin sa gawi ng maliit na kwarto.

Doon, nakita nila ang isang matandang lalaki. Kunot ang noo nito, halatang hindi natutuwa sa mga narinig lalo na sa tungkol sa libro.

Kulay puti narin ang buhok nito at ang baro ay puting pangitaas at maong na kulay kayumanggi. Sa gilid nito kung saan ang isang kamay ay nakahawak sa isang gawang kahoy na tungkod.

Mabilis naman pinuntahan ni Alcinder and matanda. "Pa..."

"Ikaw naman, bakit nagpapasok ka ng ibang tao!" Nakakatakot ang boses at nanglilisik ang mga matang pagsasalita sa anak ayon kay Kianne.

Bahagyang napaurong ang binata. 

"Pa, hayaan muna natin siyang magpaliwanag. Kaunti lang ngayon ang naniniwala sa langit at impyerno lalo na sa panahon na 'to." Paliwanag ng mahinahon ni alcinder habang inaalalayan paupuin ang matanda.

Bumuntong hininga ang matanda bago tumignin kay Kainne. "Anong kaylangan mo?" Rinig mo parin sa tono ng boses na ayaw sa binata.

"Kaylangan ko ho ng tulong ninyo." Kumunot ang noo ng matanda habang ang isa ay nakatitig lang kay Kianne.

TrenchantWhere stories live. Discover now