➼ Dart Room ⦾

9 0 0
                                    



"Anong pakulo na naman ito...?" Kunot noong tanong ko sa kawalan pero mabilis na nanlaki ang mata sa napagtanto! "What the hell?!"

Mabilis kong kinuha ang flashlight at umatras ulit. Tinutok ko ito sa kasootan ko ngayon! Bahagya pa akong umikot at tinutok sa lahat ng parte ko ang ilaw.

Nagbago ang kasootan ko!

Napalitan ang damit ng dress, marami itong layer dahil sa kapal. Para itong mga soot ng manika. Halo ang mga kulay na puti, itim, at pula. Above the knee ang haba nito sa'kin. Wala rin itong manggas na siyang dahilan kung bakit hindi ko talaga napagtuunan ng pansin!

Kinalma ko ang sarili...

Hindi ko alam kung anong dapat maramdaman sa oras na ito.

Hindi ko na alam kung saan ako naaasar at nagagalit. Sa parte na may naglalaro sa'kin o sa parte na may nagpalit ng soot ko habang tulog ako!

Napahinga ako ng malalim, hindi rin niya pinalampas ang mukha ko na ngayon ko lang rin napagtuunan ng pansin!

Nilagyan niya ng make-up ang mukha ko. Para itong clown. Pa Diamond ang make-up sa dalawang mata na kulay itim at heart sa labi.

"Gusto niya talaga akong paglaruan...!" Nasabi ko na lang saka hinawakan ang mukha ko. Binuksan ko ulit ang gripo saka naghilamos at binalik ulit ang tingin. Walang nangyayari!

Napakunot ang noo ko, wala akong alam sa ganito... Hindi ba talaga ito nabubura basta-basta?

Ginawa ko ito hanggang sumuko na lang. "Pati ba naman mukha...?" Huling tanong bago lumisan sa loob ng banyo dala-dala parin ang ilaw.

Wala na akong magagawa kung pinalitan niya ang damit ko! Marahan akong napamura at napabuga ng hangin!

Mabilis akong umalis sa tindahan at lumakad na para hanapin ang dart room na sinasabi. Wala akong magagawa, yun ang gusto niyang puntahan ko!

I am in his game... might as well play and fight. At least, the only thing I can do...

Besides, maybe behind this place or walls... He can hear me or watch me. Sa ngayon ay wala akong kahit anong bala. In short, wala pa akong magagawang alas!

Lumakad ako at palinga-linga. Ngayon ay ramdam na ramdam ko na talaga ang bagong soot! Malamig na hangin ang tumatama sa buong katawan ko na siyang hindi ko ikinasasaya ng husto!

And I never imagined myself wearing this piece of clothes!



-- Welcome to Dart room --

"Not welcomed."

Hindi na namin ito napuntahan kanina dahil sa haba ng pila ng mga tao...

Ang bungad nito at isang malaking dart board layout. Kung saan ka mag s-sign in ng pangalan bago pumasok.

Nilagpasan ko ito at nagpatuloy. Mas malawak ang loob, hindi mo aakalain dahil hindi ito gaanong kalakihan sa labas.

Sa dulo ay makikita mo ang isang mas malaking dart board. Kasing laki ng tao, mas malaki pa ata.

Nagtaka ako at napatingin sa gilid. Ang mga arrow na ibabato sa board. Napakamot ako sa ulo. "Sa liit nito, anong magagawa nito?" Normal lang ang laki nito.

Pero kung mas malaki ito at tinerno sa laki ng board... Ay huwag na lang.

Bumukas ang lahat ng ilaw na siyang kinagulat ko. "Dapat masanay na ako..." Bulong ko. Akala ko ay ganoon rin ang mga mangyayari, may lalabas na hologram.

TrenchantWhere stories live. Discover now