➼ Life or Life? ⦾

3 0 0
                                    





Kumunot ang noo ko sa narinig.

"What do you mean?" Nagbigay siya sakin ng isang arrow. Sobrang tulis nito parang kahit hawakan mo ay mahihiwa ka na. Pinagkatitigan ko ito hanggang sa magsalita siya.

"Follow me, Sabrina." Kahit naguguluhan ay sinunod ko parin siya. Pumunta kami sa kaliwang bahagi ng lugar at may binuksan siyang pinto. Wala akong idea kung ano ito. Purong itim ang kulay ng pintong binuksan niya.

Sobrang dilim sa loob.

Wala man lang akong makitang liwanag. Hindi ko narin nadala ang ilaw sa kabang naramdaman kanina.

Pagkapasok mo makikita mo sa bnadang dulo na parang  may harang dito, nguni't kita mo ang nasa loob nito. Para siyang interrogation room.

Malinis ang loob nito maliban sa tatlong magkakahiwalay na lamesa at upuan.

I frowned but didn't speak up.

May bigla siyang binulong sa kawalan saka mabilis na pumikit. Sobrang hina nito na kahit tahimik ang kwarto ay hindi mo maririnig.

Umabot iyon ng ilang minuto. Matagal... Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa pagkadilat niya. Iniintay parin ang magiging susunod na hakbang. 

Tumingin ito ng diretsyo sa harapan, pagkatitigan ko pa sana siya pero may mabilis na pumukaw ng atensyon ko sa harapan namin! May umungol sa kabilang kwarto!

Ungol na para bang nahihirapan!

Dali-dali akong tumingin sa harap at napatakip sa bibig ko. Impossible...

Naka upo sa tatlong upuan sila Sanny, Mama, at ang pinsan ko. Umiiyak sila Mama at Isabella, ang ngalan ng pinsan ko.

Nakasandal at nakapikit naman si Sanny. Halata mong nasa isang malalim itong panaginip. 

Nakatali sila sa upuan at may tape sa bibig. Para silang kinidnap!

"H-how?" Nagbara ang lalamunan ko ng biglang nawala ang harang at makita nila ako. Napalitan ito ng takot at mas lalo silang napaiyak. 

Naguguluhan ako pero mas nangibabaw sakin kung ano ang dahilan at bakit at pano sila nandito?! Wala akong mahagilaw na sagot sa magulo kong isip!

"Pick someone you will throw your arrow." The female beside me speaks calmly. Parang wala lang ang ipakita sakin ang mga kilala ko sa buhay na nakatali! Kita ko ang pagiling ng nanay ko sa narinig.

Are they real?

Maybe not or maybe yes

Nag echo sa tenga ko ang boses ni Nox. Tinakpan ko ito ng dalawang kamay.

How can he do that?

Choose... Who do you want to kill?

Kahit sa boses ay ramdam mo ang pagngisi nito.

"Sabrina!"

Napa-upo ako sa panghihina.

Pero mabilis rin akong tumayo at tumingin kay Mama.

Tinitingnan ko siya ng mabuti.

Hinuhulaan kong totoo ba ang nasa harap ko? Ganun din sa dalawa.

Lumakas ang tibok ng puso ko. Para silang totoo lahat. Pero pano sila napunta dito kung ganun?

Imposible!

Sobrang imposible lang.

"Choose now." Ubos na ang pasensyang saad. Hindi ko siya nagawalang lingunin dahil sa mga nakikita sa harapan. "Let me help you then,"

"Sanny Heroin, your best friend. Who is always there to help you. He doesn't like photography or the club but he stays because he likes you."

What?

"Lie." I shake my head, disagreeing.

Of course, he likes photography... And he doesn't like me romantically.

"He knew you'll say that, that is why he keeps his mouth shut." Tanging iling lang ang sinagot ko hanggang sa pagpatuloy siya.

"Your lovely mother treats his daughter as trash. She has a secret. If you chose her, you would know."

I always knew she had a secret.

I just never speak about it, since she never talks to me- a casual talk...

"Your stupid cousin. I honestly don't know her. But like your mom or I must say your whole family, has a secret from you. Keeping you away from knowing it. So-called heroes."

Kita ko sa gilid ang pagharap niya sakin. "Sino ang pipiliin mo?"

Wala akong masabi. I may hate them to death- Still don't want them to die!

Especially, kung ako ang gagawa. And definitely not Sanny! 

Labas siya dito!

"You know, there is a bomb- on each chair. If the time runs out... Everyone in here will die, even you who plays."

Dumako ang tingin ko sa sinabi niya. There is a bomb! 

May nakalagay nga dito... Mula dito ay kita na meron pang ilang minuto bago sumabog.

They are not real, Sabrina...

Paulit-ulit kong sinasabi para makapili.

"If you choose now, the time will stop and you can save two in that room and yourself."

I sigh deeply and choose. "You're not real." They're probably sleeping comfortably right now. Right...

"You're not real."

"You're not real."

"You're not real."

"You're not real."

Itinaas ko ang kanang kamay habang binibigkas ang mga kataga. Masyadong imposible! Mas posible pa akong mamatay kesa ang maging totoo sila na nandito! 

Pano naman sila mapupunta dito, hindi ba? 

Umiiling ang dalawa sa mabilis kong paggalaw. This is just a game, right? A game for me... 

Hindi ko ito pinansin at mariin na napatitig sa kanila.

Dumeretso ako ng tayo saka sila pinagkatitigan, isa-isa...

Sa dalawang minutong oras na natititra ay pinakawalan ko ng walang pasabi ang arrow sa kamay. Napagil si Mama sa nasaksihan, hindi sila parehong makagalaw sa nangyari.

"I'm sorry," Mahinang saad ko.

Umaagos ang dugo sa dibdib ni Isabella.

Nagwala ang nanay ko pilit na lumalapit kay Isabelle. Tumigil ang oras kasabay ng pagtigil ng hininga ng pinsan ko.

I felt pain stabbing me slowly.

Pero pilit kong sinasabi na hindi sila totoo. Dahan-dahang nagsipatakan ang mga luha sa aking mata. Mabilis ko itong pinahid paalis. "Hindi naman sila totoo..."

Hindi ko alam ang mararamdamam.

Tumawa ang katabi at pinitik ang kamay. Nasa labas na kami ng pinasukan kanina.

Pinigil ko ang iyak ko.

"Congrats. This is just the starting point, Sabrina Koharu."



DarkCmyth

TrenchantWhere stories live. Discover now