➼ Maze ⦾

10 0 0
                                    





"Wake up," I heard someone whispering in my right ear. "Wake up..." Patuloy itong nagsasalita na winaksi ko sa isipan. "Hey, wake up."

Umungol ako sa ginagawang pangiistorbo. Iniwas ko ang ulo at kinunot ang noo. Tinatapik-tapik na nito ang pisnge ko na siyang kinaiirita ko ng husto! "Shh, I'm sleeping-"

"Wake up!" Someone slap my left cheek, hard!

"Asshole!" I yelled back and looked straight at that person. Nagising buong diwa ko sa sobrang lakas. Gulat at asar ko itong tinignan ng malabong mata.

Papikit-pikit akong tumingin sa kanya, malabo siya. Hinayaan kong mag-adjust ang mata hanggang sa makita ko siya.

"Nox?" Nanlaki ang mata ko at inikot ang paningin. Nawala bigla ang asar ko, nandito pa ako! Kala ko panaginip...

We're still here, I'm still here. "We need to go," I look back at him because of what he said.

"Why are you here?" Ikaw ba ung naglalaro sakin? Pinagkatitigan ko siya.

Siya lang naman ang tao dito at papaano siyang napunta dito?

"Doesn't matter." Agad niya akong tinayo at inabot sakin lahat ng gamit ko sa lapag. Hindi na niya ako hinayaan makapag isip ng maayos. Wala pa ako sa wisyo ng hilahin niya ako.

Hinila niya ako hanggang sa makalabas kami. Tumingin-tingin siya sa paligid na para bang may taong nakamasid. Ako naman ay parang bata na nagtatakang nakatingin sa kanya at pinapanood ang kilos niya.

Biglang bumalik sakin ang unang beses naming pagkikita. Sa trabaho ko. Sa coffee shop... Ang pagiging weirdo niya.

Bakit ko nga ba ito kasama kani-kanina lang? Is this... all your plan, Nox?

Plano mo bang maging pinaka-weirdong tao sa mga nakilala ko para mapansin kita? Para makasama mo ako? Para may gawin kang masama...?

Kunot noo ko itong tinignan at hindi napansin sa nakatingin na ito sakin. Napapikit ako saka lumihis ng tingin. Kung may balak man itong gawing masama... Ano nga bang p'wede kong gawin? Wala akong kahit na anong armas o taong p'wedeng mahingan ng tulong.

Kahit walang ginagawa ay patuloy namang nagpa-panic ang kabuoan ng isip ko sa p'wedeng mangyari.

Narinig ko itong bumuntong hininga, parang naririnig ang kaisipan ko.

Hindi inalis ang kamay sa braso ko at nagsalita. "I know that everything is blurry and just weird. But I need you to trust me for now, okay?" There is something about his words that is calm, but right now... I really don't know. 

Masyadong mabilis at magulo. Napalunok ako saka isa-isang nagtanong.

"Why are you here? Where are the people? Why did they lock us? Why didn't you just show yourself earlier? Instead of leaving me, hopeless." Mahina at mabagal. Halatang naguguluhan ang boses ko. 

I thought I was the only person here. 

Besides, ang boses niya at kilos ay kasalungat ng nasa isip ko. Kung mabuti man siya at wala talagang masamang gagawin... bakit hindi siya nagpakita agad?

Hinarap niya ako sa pamamagitan ng paghila ulit sa braso ko saka inangat ang kamay nito para iharap ng tuluyan ang mukha ko sa direksyon niya. 

Bahagya kong inatras ang mukha dahil sa lapit namin sa isa't-isa. Idagdag pa na ang isang kamay ay nasa panga ko at leeg. "We just met, I know... But only this time... Listen to every word that I will say. Understand?"

TrenchantWhere stories live. Discover now