Chapter 11

663 25 8
                                    

Nagising ako kinaumagahan. Napatayo ako at umupo sa kama ko. Napahawak ako sa aking ulo nang sumakit ito.

"Shit," napamura ako dahil nahihilo rin ako at nasusuka. Tumayo ako at pupunta sana sa loob ng CR dahil nasusuka ako ng may kung anong matigas na bagay na tumama sa noo ko. "Ano ba?!"

Napatingin ako sa harap ko. Pader pala! Nasaan ang CR ko? Bakit nawala? Sa pagkakaalam ko ay nandito banda 'yung CR ko? Nilibot ko ang tingin ko sa buong kwarto ko at nanlaki ang mata.

This is not my room! I looked at the wall habang nakahawak sa noo ko dahil sa sakit na nararamdaman. Saka ko lang narealize na kwarto ito ni Xandrey. Nakapasok na ako dito nang nag kasakit sya kaya familiar na sa akin ang kwarto niya.

But why am I here? Pero hindi ko na muna iyon pinansin at binuksan ang pintuang nahanap ko dito sa loob ng kwarto. Pagkabukas ko ay tumambad sa akin ang sala. Naghanap muli ako ng kahit anong pintuan na nag-babakasaling CR.

May nakita ako kaya nagmamadaling pumasok agad ako. Parang napahinga naman ako nang maluwag nang mapagtantong totoo na itong CR. Agad akong lumuhod at nagsuka sa toilet bowl. Sinuka ko lahat ng nakain ko kahapon.

Pagkatapos ay tumayo ako, naghugas at nagmumog ng bibig. May nakita akong extrang toothbrush na mukhang hindi pa nagagamit dahil straight na straight pa ang mga buhok nito. Nilagyan ko 'yun ng toothpaste na nakita ko lang rin.

Pagkatapos kong mag toothbrush ay binalik ko ito sa exact na lalagyan niya kanina at lumabas na ako ng CR.

May naamoy akong eggplant na niluluto at nalaman kong galing iyon sa kusina. Siguro nagluluto si Xandrey.

Pumunta akong kusina at hindi nga ako nagkakamali, nagluluto si Xandrey. Eggplant is one of my favorite. Lalo na 'yung torta type. Nakatalikod sya sa akin at kita kong magulo ang kanyang buhok.

Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya na nagpagulat sa kanya.

"You're awake," sambit niya, hindi parin ako nililingon.

Naalala ko 'yung nangyari kahapon at ni-replay iyon sa isipan ko. Ang paglapit niya sa isang lalaki na nagpakirot sa puso ko. Ang pagyaya sa akin ng kung sinong hindi ko kilala at pagsasayaw namin. Ang paghigit sa akin ni Xandrey at pagpasok namin sa sasakyan niya.

Ang paghalik niya sa akin at pag-amin ng nararamdaman niya. Ang sabi niyang liligawan ako! Mabuti't hindi ko pa nakakalimutan!

"Ganito ka pala manligaw?" Tanong ko.

Hinarap niya ako at kinunotan ng noo. "What do you mean?"

"Don't tell me you forgot?" My brows furrowed and I got worried. Did he forgot? Baka sinabi niya lang iyong liligawan niya ako dahil lasing sya kagabi!

"No. I did not. I mean, this is not how I court.. well, I've never court someone before.. I searched on Google. Uhm. How to court a girl," sabi niya na nagpa-kalma naman sa akin.

Halos mabilaukan rin ako sa sariling laway ko sa kanyang sinabi! Google na naman? Gosh. Ang cute.

"Then? What was it?"

"Give her flowers.. chocolate.. bring her to date," sambit niya. "But I won't follow it. Maybe I'll give you material things and would take you to date but.. I won't focus on that."

"How will you court me, then? If you won't follow Google's advice?" I asked curiously. A bit excited.

"That's for you to find out," he smirked at me and winked na nagpa muntikang magpatumba sa akin!

He winked at me! Napahawak ako sa dibdib ko dahil ang lakas ng tibok nun. Hindi na siguro ito normal! My knees are trembling, too! Shuta!

"Kalma. That's just a wink," his playful eyes looked at me. Bumaba pa ang tingin niya sa bandang tuhod ko at napangisi sya. "Glad to know I can make your knees tremble in just one wink."

His Pleasure [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon