Chapter 15

556 17 5
                                    

"Saan ka galing?" Pagkapasok ko ay bungad ni Aries.

Umupo ako sa tabi niya habang naghihintay kami sa pagpasok ng professor.

"Nag date kami ni Xandrey," I proudly said.

Ngumiwi siya. "Landi."

"Nagsalita ang bading," ganti ko sa kanya.

Grabe talaga itong si Yanna. Napatiklop niya si Aries! Tumawa na lang kaming dalawa. Saktong pumasok na ang professor namin at binigyan kami ng answer sheets para sa test namin. Good thing I studied last night. If I didn't, patay talaga ako. Ito pa naman ang pinakamahirap na subject for me.


Matapos akong makasagot ay pinasa ko na 'yun sa professor sa harap. Nagtuloy tuloy ang pag klase hanggang sa matapos na. Sabay kaming lumabas ni Aries sa classroom at napadaan kami kina Yanna at Xandrey. Focus na focus sila habang nagsusulat. Minsan ay bumubulong si Yanna sa kanya. This woman can't shut her mouth.


Napatingin si Yanna sa bintana at nakita niya kami. Tinapik niya sa braso si Xandrey na busy sa pagsusulat sa notes niya at tinuro ang bintana kung nasaan kami. Nag-angat ng tingin ang isa at ang kanyang tingin ay unang nadapo sa akin. Sinarado niya ang kanyang notes at tinukod ang siko sa lamesa at ang kanyang palad ay nasa panga niya. Tumitig sya sakin kaya gumanti rin ako sa paninitig.


Their professor looked at Yanna and Xandrey. Si Yanna ay nakatingin kay Aries habang may pilyong ngiti sa mukha, namula naman ang pisngi ni Aries at wala sa sariling nakurot ako sa braso.

"Yanna? Xandrey?" Tumingin sa bintana ang teacher. "Girls, please stop distracting my students. Doon kayo sa malayo maghintay."

"Ay, sorry po, Miss," Aries said.


Umalis na kami doon at gaya ng sinabi ng professor nila, hinintay namin ang dalawa. Kahit naman hindi niya iyon sinabi, ganito pa rin ang gagawin namin ni Aries. May nakita kaming street foods kaya bumili muna kami. Fries ang binili ko at dalawang kwek-kwek. Kay Aries naman ay fishball. Umupo kami sa waiting shed habang kumakain kami sa plastic cup ng binili namin.


"Saan kayo pumunta ni Xandrey?"

"Italian Restaurant," I answered casually.

"Taray, ha? Sino nagbayad ng bill? Sya siguro, ano? Aba, dapat lang!" Sabi niya. "Sya kaya 'yung top sainyo.. kasi siya naman 'yung babayo.. or, pwede namang bottom sya tapos ikaw nasa ibabaw niya, galaw galaw ka lang."

Napaubo ako sa kanyang sinabi. Kinuha ko ang mineral bottle ko at dali-daling uminom. Sya ay tumawa nang malakas sa reaksyon ko.

"Bastos!" I frowned. "Bad influence ka talagang babae ka sa akin!"

She just shrugged and laughed at me. Nasa daan ang tingin ko nang mahagip ko ang grupo ng basketball team sa kabilang kalsada. Dahil medyo malapit, nakita kong tumitingin sila sa akin. Nagtutulak-tulakan sila at tatawa tawa.

Mga nasa anim ata sila o pito. Hindi ako sure, dahil nasa likuran nila ang iba at hindi ko mabilang. May isang lalaki silang tinulak at akmang lalapitan na yata ako ng lalaki ay bumalik sya at hinarap ang mga kaibigan niya. Umiling-iling siya so his teammates looked dissapointed as they tapped his shoulder. Umalis na rin ang mga ito kalaunan.

His Pleasure [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon