Chapter 36

321 11 0
                                    

"Huy, okay kalang?" Aries worriedly asked me.

Tumango ako. "I am."

Tinignan ko ang sarili sa full length mirror. Nagpalit ako ng dress dahil pinilit ako ni Aries. Sabi niya ay suotin niya daw 'yung dress na personal na pinatahi niya sa professional kaya 'wag kong sayangin ang effort niya. Hindi naman na ako tumanggi pa dahil parang nawalan ako ng lakas do'n sa sinabi ni Xandrey kanina.

He said he's going to answer that fucking Rouze and it's making me irritated. And what did he say? Mahal niya na 'yun? That's impossible. Yanna told me na maliit pa lang ang feelings niya para do'n sa Rouze. Or maybe he just said that to make me jealous.

O baka nagselos siya doon sa sinabi ko kaya gumanti? I choose the latter.

"Wag kang maniwala do'n kay Xandrey! Pinagseselos ka lang no'n. Kaloka ka," aniya, natatawa.

Nakaayos na siya ng wedding gown. Isang oras na lang para maghanda dahil magaalas-dos na at pupunta na kami do'n sa beach na malapit dito. Yes, their wedding will be held at the beach.

Umalis na si Xandrey matapos niya sabihin 'yun. Now, I don't know where he is. Baka nasa baba o baka nauna na siya do'n sa lugar kung saan ikakasal 'tong dalawa. I'm not sure about that. Hindi naman kasi ako nakarinig ng busina or pag-alis ng sasakyan simula kanina no'ng nag walk out siya. O hindi ko lang narinig dahil nandito kami sa second floor.

You're being crazy, Mavyies! Just admit it that you still don't want him to leave yet!

"I think, he's serious kay Rouze, e. Kasi diba, sweet sila sa isa't-isa? And looks like the Rouze is treating him right that I never did back then," malungkot na sabi ko at pilit na ngumiti.

"Gaga! E, kita mo nga kanina napatitig sa ganda mo, 'di ba? Kaya sure akong mahal ka pa no'n. Dinedeny niya lang dahil hindi niya matanggap na iniwan mo siya," aniya. "I mean, Xandrey Ezdanel 'yun, e! Galing sa mayamang pamilya at habulin ng mga babae kahit lalaki rin ang gusto niya. Tapos iniwan mo lang? Siguro hindi niya matanggap o nasasaktan pa rin siya kasi nga, hindi pa naka move-on kaya gano'n 'yun. Tiis tiis lang, Mav. Makukuha mo rin 'yun! Ikaw pa! Nakuha mo nga dati 'yun, diba? Kahit na panay taboy sa'yo 'yun dati, e. Pero sa huli, minahal ka."

Bumuntong hininga ako. "Dati 'yun, e.. iba na ngayon. And he said he's my admirer back then."

Kumunot ang noo niya. "Admirer? Ibig sabihin, kilala ka na niya bago mo pa siya nakilala, gano'n?"

Tipid akong tumango. "Yeah. Parang gano'n. Kaya siguro mabilis 'yun na attached dati sa'kin dahil gusto niya na pala ako dati pa. E, pano na lang kung dati hindi niya ako gusto bago ko pa siya nakilala? Edi wala akong chance sa kanya noon, hindi ba?"

"Ano ka ba! Isip positibo, Mav. Ikaw pa e, gandang ganda mo, 'no. Makukuha mo lahat ng lalaki kung talagang marunong ka lang pumansin sa kanila."

Hindi ko pinansin ang huling sabi niya at sa halip ay nagtanong. "Does he like me only because I'm pretty?"

"Gago! Hindi! Wag ka ngang mag-isip ng gan'yan. Overthinker ka pa naman," singhal niya.

"Guni guni mo lang 'yan. I'm not an overthinker. Tama lang ang iniisip ko, hindi too much," depensa ko sa sarili.

"Kahit ano pa ang sabihin mo.. basta! May pinapaniwalaan ako. Ikaw, 'wag kang magpadala sa kung anong negatibong iniisip ng utak mo," aniya. "Nasa'n na pala ang asawa ko? Hindi ko siya nakikita, ah. Hindi ko rin alam nasa'n 'yun."

"She's downstairs, diba? Hindi mo ba nakitang bumaba 'yun kanina just after Xandrey walked out?" Takang tanong ko.

"Hindi, e. Naka wedding gown pa naman 'yun tas umikot-ikot pa sa loob ng bahay. Parang gago," natatawang sabi niya, ako rin ay tumawa rin dahil nai-imagine ko si Yanna na gumagala habang nakasuot ng gown.

His Pleasure [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon