Chapter 29

309 13 0
                                    

Nang sumunod na araw ay nagising nalang ako nang gisingin ako ng katulong namin. Dalawang araw na ang nakalilipas mula nang nangyari ang mga nangyari sa isang gabing 'yon. Sa dalawang araw din ay hindi ako pumasok. I'm tired and I know my brain and body couldn't take it anymore if I still go to school. At isa pa ay kailangan kong bilisan ang pag-aaral tungkol sa kompanya para naman mas madali akong matuto.

Dahil nagabihan na naman ako kakabasa ng tungkol sa kompanya ay tinanghali na ako ng gising. Hindi nga siguro ako magigising kung walang kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

"Hija, Mavyies, may naghahanap sa 'yo sa baba. Mga kaibigan mo raw," sabi ni Manang.

Napahilot ako ng sintido atsaka ako humiga sa kama at sinabihan si Manang na susunod ako sa baba. May ideya na ako kung sinong tinutukoy ni Manang base palang sa sinabi niyang mga kaibigan ko daw.

Wala naman akong ibang kaibigan kundi sila lang. Ano nga bang ginagawa nila rito?

Sila lang naman ang kaibigan ko. Hindi naman kasi ako masyadong friendly sa ibang tao. Sila at si Nico lang ang kaibigan ko. Speaking of Nico, hindi ko na siya nakikita sa University. Hindi ko alam kung saan siya ngayon. Hindi naman ako sure kung nag-transfer siya sa ibang school dahil hindi naman ako dumadalaw sa room nila at hindi siya sumagi sa isipan ko nitong mga araw dahil sa dami ng mga iniisip ko.

Narinig ko ulit na may nag doorbell. Pumikit ako atsaka hiniwalay na ang comforter ng kama ko sa aking katawan. Why are they here, in the first place? Didn't they care about me? Pagak akong natawa. Idiot, Mavyies. Why would they be concerned of you too much? Ni-hindi mo nga sinasabi sa kanila ang problema mo.

Nagsipilyo at naghilamos muna ako ng mukha. Nagbihis lang ako ng isang short at loose na t-shirt. Hindi na ako naligo, mamaya nalang. Kakausapin ko lang naman sila sa baba. Kakain rin ako pag aalis na sila at maliligo.

Nang bumaba ako ay naabutan ko si Aries, Yanna, at Xandrey na nasa couch at naglilibot ng tingin sa buong bahay namin. Pinapasok na yata sila ng guard o ni Manang. Napatingin sa 'kin si Xandrey. Tinitigan ko ang mukha niya at halatang wala siyang tulog. Pula rin ang ilong at mata niya, galing ata siya sa iyak. Nang tumitig ako sa kanya lalo ay nag-iwas siya ng tingin.

I hint of paint strikes my heart. I thought I don't wanna see his face with sadness on it. Pero eto at nakikita ko. Ang mas malala pa ay ako ang dahilan. Noong gabing iyon kasi ay nagpumilit siyang mag-stay dito sa bahay at hindi aalis kahit pinagtatabuyan ko na siya.

Wala akong choice non kundi ang paalisin siya. Kahit masakit ay ginawa ko. Naalala kong naiyak din siya non na parang sakit na sakit siya sa pagtataboy ko sa kanya atsaka niya 'ko niyakap at umalis na siya. Noong gabi ring iyon ay hindi ako masyadong nakatulog sa kakaisip sa kanya at ang sa sitwasyon ni Dad.

Pinaakyat ko lang siya sa guard namin. Nagtulong kami para ipahiga siya sa kama niya at ako ay dumiretso ka agad sa kwarto.

Sobrang hassle ng sakit ni Dad, to be honest. Ayoko sa isipan na nadadamay kami ni Xandrey at mas lalong ayoko na mawala si Dad. I'm too young to lose a father. Kahit ayokong mawala si Xandrey o ipagtabuyan siya nang gabing 'yon dahil alam kong kailangan ko ng comfort, yakap at pag-aalala niya ay wala na akong mapagpipilian pa at sundin nalang si Daddy.

Ayokong lumala ang kanyang sakit at hindi ba't nangako ako sa kan'yang kahit anong gusto niyang gawin ko ay susundin ko gumaling lang siya. Oo, I want him to heal pero sobrang sakit din naman sa side ko na layuan si Xandrey o ako ang layuan niya.

He's my happiness, my comfort, my home.. my everything but I love my parents the most. Utang ko ang buhay ko sa kanila at sa buong buhay ko ay wala silang ibang ginawa sa 'kin kundi ang iparamdam sa 'kin ang pagmamahal nila.

His Pleasure [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon