Chapter 30

312 9 6
                                    

Wala kaming bisita noong nilibing si Daddy. Ako at si Adrian lang. Patay na si Lolo at Lola. Nag-iisang anak lang rin kasi si Dad kaya wala siyang mga kapatid na dadalaw sa kanyang libing. Wala rin kami masyadong kamag-anak sa father's side.

Si Mom, hindi siya umatted. Naiintindihan ko siya. Sa galit niya ay alam kong hindi pa niya magagawang dalawin si Dad noong nilibing siya. I can't believe my Dad did that.

I always see him gentle and loving to my mother. Now that I've know he raped her, ewan ko pero parang nag-iba ang pananaw ko sa kanya. Naiisip ko na sobrang sama niyang tao. Manggagahasa. But then, again, he is still my father. At wala naman na akong magagawa pa lalo na't wala na siya ngayon.

Gabi-gabi ako umiiyak. Kapag naiisip kong patay na siya ay nadudurog ang puso ko. Pero kapag ang ginawa niya naman kay Mom ang naiisip ko ay nagagalit ako at mas lalong nasaktan para kay Mommy. Sa nagdaang taon, ni-hindi ko man lang alam na ganoon ang pinagdadaanan niya.

"Mav, kumain ka muna. Ilang araw kana hindi kumakain ng maayos.." sabi ni Adrian habang nilalagay sa lamesa ang pagkain.

Nasa condo niya ako. Nakakatawang isipin na sa kanya pa ako ngayon humihingi ng tulong after how much I've hurt him past month. Hindi ko nga din alam na magiging magkaibigan kami ngayon.

Hindi na ako makakabalik pa sa bahay. Pangalan ni Mommy ang nakapangalan doon. After Dad died, binenta niya ito. Ang sakit isipin na hindi man lang niya ako inisip. Kung saan ako matutulog o uuwi.

I don't know where she is now. Alam ko ay nangibang bansa siya. At may kasama siyang ibang lalaki. Matatanggap ko pa iyon. Because I know she never loved Dad after she told me everything. Pero itong iniwan niya ako para sa ibang lalaki, binenta ang bahay at hindi man lang inisip kung saan ako titira ay naging dahilan para kamuhian ko siya. Silang dalawa ni Dad.

They both loved me.. and left me.

I really thought back then na hangganan na ang pamilya namin. Na hinding-hindi kami maghihiwalay tatlo. Pero iba na ang pananaw ko ngayon. I realized that everything isn't permanent on earth.

Sa nagdaang araw ay tila namanhid ako. Palagi akong tulala at malalim ang iniisip. I am trying to move on.. I am trying my best. Pero sobrang sakit pa rin talaga. Ang iwanan ng mga magulang.

I never thought that I'd end up here, to Adrian's condo. Nahihiya nga ako sa kanya. Isa lang ang kwarto niya rito at ako pa ang pinapatulog niya sa kwarto niya. At siya doon sa sofa.

"Wala akong gana," sabi ko at nag-iwas ng tingin.

Wala akong ganang kumain these past few days. Palagi kong naiisip ang mga nangyari sakin kaya palagi rin akong nawawalan ng gana sa lahat. Pero may utang na loob ako kay Adrian. Noong nalaman niyang wala ng buhay si Dad ay pinuntahan niya ka agad ako. Siya rin ang nag-asikaso ng kanyang libing. At noong nalaman niya ring wala akong matitirhan ay sabi niyang dito muna ako sa condo niya.

"Come on, you didn't ate dinner last night, too. Maghahapon na, Mavyies."

Tumango na lamang ako at hindi na nakipagtalo pa sa kanya. Kahit kagabi ay hindi ako kumain at ngayon ay hapon na, hindi pa rin ako tinatablan ng gutom. Kinunan niya ako ng plato, kutsara at tinidor.

Nagsimula akong kumain ng tahimik. Nasa harap ko siya at nag-aalalang tinignan ako. Ayokong nag-aalala siya sakin o kaaawaan ako.. pero kailangan ay lunukin ko lahat ng pride na meron ako. Wala na akong mapupuntahan pa.

I know there's Yanna, Aries, and Xandrey. But I don't want them to worry about me too much. Ilang araw ko rin silang hindi nakita. Panay ang tawag nila sakin pero pinatay ko ang aking cellphone para hindi nila ako matawagan.

His Pleasure [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon