Chapter 42

328 11 0
                                    

"Yes, Miss?" Magalang na tanong noong isang staff na lumapit sa glass door.

"Eh, Ma'am, hindi nga po kasi pwedeng pumasok," nakakamot sa ulo ng sabi nung Guard sa'kin.

"I said, Ezdanel knows who I am!" Naiiritang sabi ko.

"Anong nangyayari dito, Kuya?" Nagtatakang tanong ng staff ulit sa gwardya.

"Ito kasi si Ma'am, nagpupumilit na pumasok. Eh, hindi pwede kapag hindi siya nagta-trabaho dito o kilala siya ng CEO."

"Kilala nga ako ni Ezdanel!" Pasigaw na sabi ko.

"Stay calm, Miss," nakangiting sabi nung babae.

"How can I fucking calm in this situation?!"

"Pasensya na, Miss. Hindi kami pupwedeng magpapasok ng kung sino-sino kapag wala kayong scheduled meeting sa CEO at kung hindi ka po niya kilala," ani ng babae.

"Do you know who I am?" Umirap ako.

"Hindi po.." nakayukong aniya.

"I am Mavyies Caltera. Uulitin ko pa? At kilala ako ni Xandrey. Ang CEO ninyo," pilit na kalmang sabi ko.

Napatungo siya at nanlaki ang mga mata. "W-what's your name again, Miss?"

"Hala, Ma'am! Ikaw pala si Mav-"

"Oo! Ako nga. Ano, hindi niyo pa rin ako papapasukin?"

Nataranta silang dalawa. Binuksan ng guard 'yung glass door at ang babae naman ay minuwestera ang loob sa akin. I rolled my eyes sa kanilang dalawa at pumasok sa loob. Nilibot ko ang tingin at namangha. Malawak ang loob ng kompanya nila at maraming tao, probably the staffs only. Sabi nga nila ay hindi nagpapapasok ng kung sino except na lang kung dito ka nagta-trabaho o may schedule sa kay Xandrey.

"Pasensya na, Ma'am, hindi ko naman kasi alam na ikaw pala ang asawa ng CEO namin," nahihiyang sabi nung babae at bakas sa mukha ang takot.

Napahinto ako at kinunotan siya ng noo. "Asawa?"

"Oo po. Asawa. Sabi ni Mr. Ezdanel, kapag may pumunta raw rito na pangalan ay Mavyies Caltera, papasukin daw po agad namin at pagsilbihan dahil asawa ka po niya," sagot niya. "Sorry talaga, Ma'am. Hindi lang talaga namin alam. Wag niyo po kaming isumbong sa CEO. Mawawalan kami ng trabaho. Gano'n po kasi ang habilin niya sa amin. Kung ni katiting na disgusto ang ipakita namin sa'yo o hindi ka namin susundin sa iuutos mo sa'min, matatanggal kami sa trabaho. Maarte ka raw po kasi at suplada at madali kang mainis. Pero mahal ka raw po niya at ibibigay niya ang lahat sa'yo. Hindi ka rin daw po niya hahayaang apihin ng iba lalo na naming mga staffs niya."

Kahit nagtataka ay hindi na lang ako nagsalita pa. Nagbulong-bulongan ang mga tao at inirapan ko sila isa't-isa.

"Hala, totoo ngang maarte ang asawa ng CEO."

"Pero maganda."

"Sabi ng secretary ng CEO, palagi raw kinekwento sa kanya itong asawa niya sa kanya."

"The CEO said his wife is gorgeous. At first, hindi ako naniwala. Pero ngayong nakita ko na personalan, jusko, mabubunyag atang hindi ako straight."

"What the hell, Rekha?"

"H-huh?"

"You're not straight?"

Napailing-iling ako. Hindi naman sinabi ni Xandrey na mga chismosa pala itong trabahador niya. At anong asawang pinagsasabi nila? That's soon to be happen. Bakit parang atat naman ata siya at sinabi niya sa lahat na asawa niya na ako?

Naghintay ako ng elevator.

"D-dito ka, Ma'am, private elevator po ito.. para lang sa CEO at sa kanyang asawa sabi niya. D-dito ka na sumakay," sabi nung babae, nahihiya pa rin at takot ang kanyang mukha.

"Okay," simpleng sagot ko.

Bumukas ang sinuhestyon niyang elevator at sumakay na ako roon. Hindi siya sumabay, obviously. Lagot siya sa 'CEO' pag nagkataon.

"Sa pinakataas po ng floor ang office ng asawa niyo," paalala nito.

"You don't have to remind me that. Sinabi na 'yan ng asawa ko," sakay ko sa trip.

Habang nakasakay sa umaandar na elevator ay inip na inip na 'ko. I want to see Xandrey already and tease him tungkol sa usapang asawa. Talagang asawa ang pakilala niya sa akin sa lahat?

Nasa malalim ang pagiisip nang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko 'yon mula sa bag habang hawak ko ang paperbag sa kabilang kamay ko.

Unknown Number.

"Yeah? Who's this?" sabi ko ka agad pagkasagot ko ng tawag.

"Your bab- oh shit," nakarinig ako nang kaluskos mula sa kabilang linya at pagubo ng malakas.

"What?" mejo naiinis na tanong ko. "Who the fuck are you?"

Tumikhim ito. "Xand... rey."

Nagliwanag ang aking mukha. "Oh, ah, yeah! I-i'm here already. Pataas na ng floor mo. I have ulams with me. I cooked this myself. I hope you'll like it cause I put so much effort on this."

"Oh, yeah, for sure I will," aniya. "Baliw na baliw ka talaga sa'kin."

"Huh?" I asked. "Pa'no mo nasabi? Hindi ka sure."

"Yeah? I'm not?" nahimigan ko ang panghahamon sa kanyang boses. "It's actually obvious since I could clearly see your smiley face while talking to me."

Kumunot ang noo ko. "Huh?"

I heard a grown. "Kanina ka pa huh nang huh! What nang what!"

"I love you," sabi ko, nangingiti.

Natahimik ang kabilang linya at kahit paghinga ay hindi ko narinig.

"Hey? Breathe, babe," nakangisi paring sabi ko.

"The e-elavator is about to open. Come to my office now," he said and the line ended.

Hindi nga siya nagkakamali. Ilang segundo lang ang lumipas at tumunog ang elevator kasabay ng pagbukas nito. Humakbang ako at tumingin sa palibot ng lumabas ako ng elevator. Kumunot ang noo ko dahil walang mga cubicles dito. Sadyang isang pintuan lang at malawak na office.

Lumapit ako sa pintuan at kumatok.

"Come in," Xandrey said.

At pumasok nga ako. Hindi ako nagabalang tumingin sa paligid at agad na lumapit sa desk niya. Nilagay ko ang paperbag sa ibabaw at ngumiti sa kanya nang matamis.

"Did I made you breathless with my I love you?" nakangisi kong sabi.

Tumaas ang kanyang kilay. "Yes. You do."

Nagtaka ako sa pagiging diretso niya. Kasi sa pagkakakilala ko sa kan'ya, dinedeny niya ka agad kapag gano'n.

A/N: hi sorry if maikli lang. busy po talaga sa school tas gumagawa rin ako ng activity ko hihi. akala ko kahapon, tapos kona lahat. hindi pa pala kasi may bago na ulit. hay nakuuuu :((

His Pleasure [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon