Chapter 19

446 13 4
                                    

Nang makapunta kami sa covered court, inaalalayan ako ni Xandrey. Dinidikit niya ang aking katawan sa kan'ya upang hindi ako mabangga ng iba. Maraming tao dito at ubos na nga ang mga stairchares. Yung iba, nakaupo na sa ilalim.

Nang makapasok kami, nandoon na ang lahat. Nang makita namin ang team nila, lumapit kami sa kanila kasama sila Rheajane at Annabelle. Hindi pa naman pala nagsisimula ang laro, e.

Color white ang amin, may tatlo pang natitira. Yellow, blue, at red. May tig-iisang muse rin sila. Nang napadaan kami sa kanila ay napanganga sila nang makita ako. Pinasadahan pa nila ako ng tingin mula ulo hanggang paa. May nagyug-yugan pa ng mga balikat at sumipol.

"Kingina.." Xandrey beside me, whispered.

"Woah! Ang ganda, Mav!" One of them shouted. Nahihiya naman akong ngumiti. I felt Xandrey moved at inalalayan ako sa bewang para makaupo ako sa upuang ni-reserve ng team namin.

"Ano ka ba, pre? Maganda naman si Mav kahit walang ayos, e! Childhood crush ko 'yan!" Sigaw nang isa.

"Sus, ikaw lang ba, ha? Nung kinder, kaklase ko 'yan. Ang cute cute niya," sabi naman nung isa. Napatingin ako sa kanya. Naaalala ko siya. Totoo ngang kaklase ko siya noong kinder.

"Tang ina niyo! Campus crush 'yan si Mavyies, e. Wag na tayong magtaka madaming may gusto jan. Lahat ata ng type ng mga boys, hinakot niya, e," the muse from other team said. Nagtawanan pa ang lahat. Ang ibang babae, nakita kong nagbubulong-bulongan at iniirapan ako.

Inggit, pikit!

"Madami palang nagkakagusto sa 'yo. Sadly, you don't like any of them. Ako lang ang gusto mo. Hindi ba?" Matamis ang boses na sabi ni Xandrey. Nakatayo siya sa tabi ko. "Right, baby?"

"Yes, kamahalan," sabi ko. Ngumuso siya, nagpipigil ng ngiti.

"You're the only one whom I like, too."

Bago pa man ako makapagsalita, may sumigaw na, "All of the basketball teams should go outside the covered court. Wait there till you all will be called," sabi ng baklang nakahawak ng mic. "First one on the line should be the color white, next is red, yellow, and blue."

Tumikhim siya, "Blue team, go outside first." Tumayo ang blue teams at lumabas, kasama ang isang muse nila na may hawak ng kanilang tarpauline. "Yellow," sabi niya. Lumabas naman ngayon ang yellow team isa-isa. Habang lumalabas ang dalawang team, may mga tao ring naghihiyawan.

Sobrang ingay rin pala dito. Kung hindi siguro nagsasalita ang may hawak ng mic, patuloy pa rin silang sumisigaw. May mga babae pang galing sa bleachers na chinicheer ang mga player nila.

"Yellow teaam!!!"

"Ahhh!"

"Read team!"

"Yellow!! Yellow! Yellow!!"

"Red!! Red!!"

"Blue!! Kingina niyo, manahimik kayo!!"

"Woah! Solid Blue!!"

"White!! Ako disisyon dito!"

"White! White! White!"

"Mga tanga! Ako si Rudy Baldwin! White mananalo!"

Nasa likuran na ngayon ng Yellows ang Blues. Yung muse, nasa harap nila. Iisang linya lang silang lahat, pero malalaman mo kung ano ang team nila dahil sa kulay ng kanilang jersey. Ang dalawang muse, nakahawak sa kani-kanilang tarpauline gamit ang isa nilang kamay.

One of our team gave me the tarpauline I'll be using later. Nilagay ko lang 'yun sa ibabaw ng lap ko. Nagpaalam pa si Xandrey sa 'kin na uupo pa siya doon sa mga bleachers katabi ng dalawa. Sina Yanna at Aries. Nag thumbs up pa sila sa 'king dalawa habang may malawak na ngiti. Nasa malapit sila ng gate ng court.

His Pleasure [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon