All right reserved. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any mean, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system without permission in writing from the author. Any of the acts mentioned above shall be considered as illegal and can be grounds to proper prosecution by the law.
Paalala: Ang nakasulat sa ibaba ay kathang isip lang na gawa gawa ng baliw na author na subrang bored sa valentines. Wala pong pangalan ang involved diyan kaya hindi na po problema. Pero ang aral po niyang ay makatutuhan po at walang halong pagbibiro.
Someone's POV
I really hate this day. I want to delete all the February 14 in all calendar of the world. I want to forget this day pero kahit anong gawin ko makikita ko parin ang Feb 14 sa kalendaryo.
Itong Petsang ito kasi pinakamasaya at nagbibigay din ng pinakapaitna pangyayari sa buhay ko. Kung bakit? Basahin niyo po.
February 14 ay araw ng puso. Sa araw din na ito nakilala ko ang lalaking nagpabilis ng pintig ng puso ko. Nagtitinda siya noon ng bulalaklak sa isang stall sa mall. Limapit siya sa akin habang ako ay naglalakad papuntang NBS (National Book Store) para bumili ng requirements sa isang subject ko sa finance. Hindi ko siya pinapansin kasi nga hindi ako bibili. Hello, sino naman ang bibigyan ko. Wala naman ang parents ko dito. Palaging nasa labas ng ibang bansa dahil sa business. Hindi din ako nagbibigay ng flowers sa bestfriends ko dahil may boyfriend naman iyon. At hindi din ako namimigay ng flowers sa lalaki. Ano ako desperada na makahanap ng boyfriend.
Nang malayo na ako. Bigla siyang sumigaw. “ Oy, Babaeng naka dress na white. Flowers for you. Binigyan ko para sa magandang dilag na tulad mo.”
Baliw na lalaki. Tumalikod ako para malaman kung sino ang tinutukoy niya. Napansin ko na tinitingnan akong mga tao. Napansin ko na ako lang ang naka dress na white. Mayroon naka dress pero iba ang kulay. Mayroon ding naka white pero naka jeans at ang iba naka miniskirt o short. Napansin ko tuloy napara akong whitelady na naglalakad sa mall dahil sa soot ko.
Napag-alaman ko na ang lalaking iyon ay pinsan pala ng bestfriend ko at siya ang may-ari ng stall kung saan siya nagtitindang flowers.
Lumipas ang mga oras, araw at buwan. Nagtapat siya sa akin na gusto daw niya ako. It was one year after we first meet. It is also a valentines day.
Dahil nag-aaral pa ako. Nasa 3rd year college na ako at isang taon nalang para grumaduate akoay sinabihan ko nalang siya na maghintay hanggang makatapos ako. Pumayag namansiya pero kahit na ganoon. Lumalabas parin kami once a week at minsan sinusundo niya ako saschool. Kasi magkaiba kami ng school.
Mas lalo siyang napalapit sa akin at napagtanto ko na may nararamdaman ako sa kanya. Bakit ko pa hihintayin na gagraduate ako. So I decided na sasagutin ko na siya. Pero bago yun humingi muna ako ng permiso sa parents ko. At syempre pumayag naman sila.
Alam niyo ba kung kailan ko siya sinagot? Kung kailan, una kaming nagkita at kung kailan nagtapat siya sa akin ng mahal niya ako.
Hindi ako nagsisisi na minahal ko siya. Kahit na minsan nag-aaway kami at nagkatampohan. Pero pinapatunayan niya na mahal niya ako.
Pero hindi ko akalain na may taning pala ang pagmamahalan namin.
Valentines day din noon. Sinundo niya ako dahil may dinner date kami sa anniversary namin. Bago kami nakarating sa papuntahan namin, hinarang kami ng apat na lalaki na nakasakay sa dalawang motor. Pilit nila kaming pinababa at kinuha ang sasakyan niya. Balak din nila akong dagitin kaya nanlaban na ang boyfriend ko. Dahil armado ang mga lalaki. Pinagbabaril nila kami.
BINABASA MO ANG
My Unseen Valentine
SpiritüelPakiramdam mo ba nag-iisa ka ngayong valentines? Ito ang Kwentong para sa inyo. Sana magustohan niyo.