"Ate Kinne!!"
Gumuhit sa mukha ko ang kasiyahan nang salubungin ako ng mga batang natulungan ng aming foundation. Kaming dalawa ng kapatid ko ang nagtatag nito maging dito sa Pilipinas at sa ibang bansa. Hindi magkamayaw ang mga itong pagkaguluhan ako lalo na ang mga batang kilala na ako.
Bata pa lang ako noon, nasa puso ko na ang pagiging matulungin sa kahit sinong pinagkaitan ng pagmamahal sa mga magulang at kapos-palad. Kahit ang mga ibinibigay sa akin noon ng aking mga magulang, iniipon ko para sa kanila. I don't want to see them starving, homeless and no sign of love from their relatives. Halos naikot ko na rin ang buong mundo para lang isulong ang advocacy na ito.
"Oh, mga bata! Huwag niyong pagkaguluhan ang Ate Kinne niyo," paalala ni Sister Fely sa mga bata. Siya ang namamahala sa Home of Zurich Foundation namin dito sa Metro Manila.
"It's okay, Sister Fely. Na-miss ko ang mga batang ito." Bumaling ako sa batang si Marco. "Oh, Marco. Nag-aral ka bang mabuti?" tanong ko sa kaniya na nasa sampung taong gulang na rin.
"Opo, Ate Kinne! Sa katunayan nga po ay malalaki ang mga grades ko kahit itanong niyo pa kay Sister Fely," pagmamalaki niya.
"That's right," ngiting tugon ko.
"Ate Kinne, may patalubong ka ta amin?" tanong naman ng pitong taong gulang na si Coleen sa akin. Hirap pa siyang magsalita dahil ayon sa mga doktor na sumuri sa kaniya, late ang development niya.
"Oo. Nasa sasakyan ko at kinukuha na ni Mang Pedring para ibigay sa inyo," matamis kong tugon.
"Kami rin, Ate Kinne?" sabat ni Maymay.
"Oo. Lahat kayo may pasalubong sa akin," muli kong tugon.
"Yehey!!" sabay-sabay na korong wika ng mga batang kausap ko. Tuwang-tuwa rin sila sa narinig mula sa akin.
"Mga bata, doon na muna kayo sa playground at mag-uusap lang kami ni Ate Kinne niyo," wika ni Sister Fely sa mga bata.
Tumugon naman agad ang mga bata sa utos ni Sister Fely habang ako naman ay natutuwang pagmasdan ang kanilang kakulitan . Kilala ko ang iilan sa kanila mula noong dinala ko sila rito. Kung gaano kalaki ang puso ko para sa mga hayop na kinupkop ko sa animal shelter, ganoon din ako sa mga batang ito. Kulang na lang na tumakbo ako sa pulitika dahil halos ng mga natulungan ko ay kilala na ako. Hindi lang iyon, kilala na rin ako ng mga opisyal ng gobyerno dahil madalas akong sumasama sa mga adhikain pangkalinga.
"Palagi kang tinatanong sa akin ng mga bata kung kailan ka dadalaw rito at lagi ko namang sagot sa kanila na nasa ibang bansa ka pa," panimula ni Sister Fely sa akin. "Kumusta naman ang buhay mo?"
"Ayos naman, Sister Fely. Kakababa ko lang galing space kaya heto at medyo groggy pa ako. I mean⸻sinasanay ko pa ang sarili ko sa gravitional force sa paligid. Natanggap ko ang email mo tungkol sa batang si Noknok. Hanggang ngayon ba ay hindi pa rin siya nagsasalita?" pag-iiba ko.
"Oo, Kinne. Mula noong na-rescue mo siya apat na taon na ang nakararaan sa isang sunog, hindi na siya kailanman nagsasalita. Ayon naman sa psychologist na tumingin kay Noknok, naalala pa rin niya ang nangyari sa mga kapatid niyang kasama sa nasunog na iyon. Ginawa na namin ang posibleng gawin sa kaniya kaya lang walang improvement. Minsan pa nga ay nagigising siyang umiiyak at hinahanap ang kaniyang mga kapatid at mga magulang," malungkot niyang sabi.
Humugot ako nang malalim na hininga saka natuon ang tingin ko sa batang si Noknok na nasa bench habang at nakatingin lang sa magandang kalangitan. Marami na akong na-encounter na mga kaso ng mga batang may mga trauma sa iba't ibang karanasan pero ang iba ay nakaka-overcome naman.
"Natanggap mo rin ba ang email ko tungkol sa budget na hinihingi namin?"
"Yes, Sister Fely." May kinuha ako sa shoulder bag ko saka ko ito ibinigay sa kaniya. "Here. May nag-donate ng halaga ng perang iyan kaya mapapagawa niyo na ang extension ng building na ito."
BINABASA MO ANG
The Billionaire Cassanova [SPG]
Romance‼️Warning ‼️ ✔Some chapters have mature content. ✔Read at your own risk. Tutol si Kinne nang malaman ng pamilya niya at ibang kamag-anak ang tungkol sa last will ng yumaong ama nila ng kapatid niyang si Wigo. Nakasaad doon na siya ang napili ng am...