Chapter 19

238 4 0
                                    

London...

Naroon ako sa isa sa mga pinakamalaking ospital sa London na pagmamay-ari ng pamilya ko upang saksihan ang successful na operation sa mata ni Kuya Levi. Ayon sa mga nakausap kong mga doktor, ilang araw pa bago tanggalin ang bendahe sa mga mata ng pasyente.

"How are you here, Aling Mila? Nakakatulog naman ba kayo nang maayos?" tanong ko.

"Oo, Kinne. Maraming salamat sa tulong mo at ng kapatid mo para maipagamot ang anak ko," maluha-luhang wika ni Aling Mila sa akin.

Nasa lounge kami para mag-usap ni Aling Mila at hindi ko pa rin nakikita si Kuya Levi. Lahat ng mga kailangan nila, ibinigay ko at sa unang pagkakataon na ako mismo ang tumutok sa operasyon ng anak niya. Though I wasn't there in Levi's eye operation since I have my personal issues to fix too.

'I-Ikaw, kumusta ka naman at ang kapatid mo? Nagkabati na kayo?" tanong niya.

"Ayos naman kami at nagkabati rin. Maalaala mo kaya ang buhay namin ni Wigo, Aling Mila. Kasal na ako sa kaniya," pagkukuwento ko.

"Ha?" gulat ito. "K-Kasal kayo?! Paanong⸻"

"Mahabang kwento, Aling Mila. Alam niyo na, family tradition."

"Aristocrat ba ang angkan niyo?"

"Oho."

"I see. M-May mga ganyang tradisyon pa rin hanggang ngayon lalo na sa mga mayayamang angkan. Kahit na magkaroon pa sila ng relasyon sa iba, kailangan pa rin piliin ang royal rules ng pamilya," malungkot niyang wika.

"Huh? Naranasan niyo na ba?" Napuna ko kaagad ang pagiging malungkot niya sa bagay na ito

"Ha? Ah, h-hindi. Alam mo naman na tumira rin kami sa Germany noong naging kami pa ng ama ni Levi. Kaya lang hindi talaga kami itinadhana ng ama niya kaya kami napadpad ng Pilipinas. Ay, siyangapala. Nagluto ako ng kakanin na paborito mo. May nakita akong Filipino store dito kaya nakagawa ako. Halika!" yaya niya.

Sumama naman ako kay Aling Mila patungo sa kwarto kung saan si Kuya Levi. Ang anak naman niyang si Leslie na agad bumalik sa Pilipinas para sa pag-aaral. Pumasok din kami sa loob ng kwarto kung saan nakahiga lang si Levi. Nilapitan ko kaagad siya para matingnan ang kaniyang kondisyon.

"Dok Kinne?" sambit ni Levi na tila nakilala agad ako.

"Kuya Levi... How are you?" I asked him.

"I'm fine. Kaya lang sagabal itong nasa mata ko at gusto ko ng ipatanggal," tugon niya.

"Kinne, nandito lang ang pagkain kung gusto mong kumain. Bababa lang ako at may bibilhin," wika ni Aling Mila sa akin.

Lumingon naman ako. "Salamat, Aling Mila."

"Maiwan ko muna kayo."

Tumango lang ako saka ako muling bumaling sa pasyente. "Hindi pa natin pwedeng tanggalin ang eye patches sa mga mata mo, Kuya Levi. Mga isa o dalawang linggo siguro depende sa health condition mo."

"I want you to be here just if the doctor will remove this. Is it okay, Doc?"

"Okay. Pupunta ako para sa iyo."

"Gusto kong isa ka sa mga makikita ko kapag nakakita na ako. Gusto kong masilayan ang taong tumulong sa amin ng aking ina at kapatid."

"Walang problema."

"Kumusta ka na? K-Kumusta na kayo ng kapatid mo?" tanong niya.

Umupo ako sa gilid ng kaniyang kama. "Nagkaayos na kami at...pumayag na akong magpakasal."

"So, natuloy nga."

"Oo." Napatingin ako kay Kuya Levi na sinabihan ko tungkol sa buhay ko at ng kapatid ko. "Kailangan para sa mga taong umaasa sa amin. Kaya lang hindi ko pa rin lubos maisip na ikinasal ako sa kadugo ko pa. Sa kapatid ko na...na may malalim akong koneksiyon sa kaniya."

The Billionaire Cassanova [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon