Chapter 17

246 5 0
                                    

KABADO ako pero pinilit kong maging normal sa takbo ng sandaling makakasama ko sa iisang kwarto ang kapatid ko. As part of the tradition, kailangan kong tumabi sa kaniya sa pagtulog sa unang gabi namin bilang mag-asawa. Kaya lang hindi ako makapag-isip kahit sabihin kong sanay na ako sa kaniya. Tatakas o hindi? Tatakas o hindi? Paulit-ulit kong sambit sa isipan iyon habang palakad-lakad ako sa malawak na banyo.

Kabado trenta ako habang bitbit ko ang nighties na hawak ko na ibinigay ng mommy para sa akin. Anong akala nila? Gagawin namin iyong sinasabi nilang honeymoon? My god! Naging alerto akong lumabas ng banyo habang tinatanaw kung nasaan ang kapatid ko. Nang hindi ko siya makita sa loob ng kwarto, patakbo kong tinungo ang dressing room. Nagmamadali akong maghanap ng maisuot doon at nakita ko naman agad. Isinuot ako ang maluwang na t-shirt na kulay itim at silk short na kulay puti. Isiniksik ko sa loob ang nighties na iyon dahil wala akong balak suotin iyon habang katabi ko ang damuho kong kapatid.

Maya-maya lang ay marahan naman akong lumabas ng dressing saka sumilip sa king size bed. Wala pa siya. Yes! Makakatakas ako! Para akong batang tumakbo palabas sana ng kwarto at may pinagtataguan. Balak ko namang bumalik pero saka na kapag madaling-araw na at kapag tulog na siya.

"Where are you going?"

Napatigil ako sa pagpihit ng doorknob nang marinig ko ang boses ng kapatid ko. "Tatakas este lalabas!" Shit! Talagang tatakas ang binigkas ko?

"Tatakas?" Lumapit siya sa akin. "Pwede kang tumakas pero huwag ngayong gabi. Huwag mo na kaming bigyan ng sakit sa ulo, Kinne. I know we are both tired and let's sleep. Wala akong gagawing masama sa iyo," seryoso niyang sabi. "Halika na at matulog na tayo. Sanay ka namang kasama akong matulog."

Oo nga naman! Kumilos ako upang sundan siya na naglakad na patungong kama. Hindi na natuloy ang pagtakas ko sana at buking na ako. Pinagmasdan ko ang suot ng kapatid ko na naka-jogger lang at simpleng itim na t-shirt. Parehas pa kami ng kulay ng suot at nang makita ko ang design ng t-shirt niya, kaparehas ng design ng suot ko. Aba! Naki-couple shirt pa ako. Damn. Ang malala pa sa design ng t-shirt, ang suot niya na may nakalagay na My Queen at ang suot ko naman na may nakalagay na My King. May heart design na nahati na tila sinadya tala para sa aming dalawa.

Wala akong nagawa kung hindi ang tumabi sa kaniya at sanay na nga naman kami sa presensiya ng isa't isa. Iba nga lang talaga ngayon na hindi kami nagkaintindihan nitong mga nakaraang linggo. Parehas na kami ngayong nakahiga sa kama na hindi nag-iimikan habang ang kapatid ko naman na kumilos upang tumagilid sa kabilang side. Sasanayin ko na talaga ang sarili kong matulog na katabi ka kahit na ang awkward. Nagtalukbong ako pati ang mukha ko sa ilalim ng comforter para lang hindi ko siya makita at pumikit. And I felt he moved again in reverse side.

"Gaano mo kakilala si Camille?" wika niya. "I'm sorry to open up and speak about her name. May ginawa lang si Zoey na hindi mo magugustuhan kapag nalaman mo."

Ibinaba ko ang comforter, nagmulat ng mata at sumulyap sa kaniya. "Ha? What?" Kaya lang halos magkadikit na pala ang katawan namin na noon ko lang din napuna. Gustuhin ko man na lumayo ng kaunti ngunit mahahalata niyang umiiwas ako. "Bakit nadamay si Zoey?"

"You won't believe this, but Zoey paid your ex-girlfriend to ruin ou sibling's relationship."

"Hindi kita maintindihan." Kumilos din ako upang humarap sa kaniya.

"Roan, Camille's niece, went to my house before I went here. She told me everything about Camille and Zoey. Nakipag-deal si Zoey kay Camille na gawin ang bagay na iyon at sinadyang makita mo. Katumbas ng deal na iyon ay malaking halaga. Camille has a boyfriend name Brix and this man was her lover. Alam mo ba na matagal ka ng pinapaikot ng babaeng iyon? If you won't believe me, you can ask Roan about this."

The Billionaire Cassanova [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon