Narinig ko ang doorbell sa labas ng gate since konektado iyon kahit saang sulok ng bahay. Ako naman na inaasikaso ang kusina para naman may almusal ang mga bata. Wala silang pasok ngayon subalit pupunta naman ako ng school para asikasuhin ang paglipat sa mga ito.
Buo na ang desisyon ko na ilipat sila sa America para doon na mag-aral. Wala na rin namang silbi na manatili pa ako sa Pilipinas at nasa Washington ang buhay ko. Inilapag ko na ang huling niluto ko at si Leslie naman na tinulungan akong ayusin ang table.
"Leslie, pupuntahan ko lang si Aling Mila at baka kung sino na iyong bisita nang ganito kaaga. Tawagin mo na rin si Kuya Levi mo," utos ko.
"Sige, Ate Kinne."
Tinanggal ko ang apron saka ako naglakad patungong sala. "Sino iyan, Aling⸻" Hindi ko na itinuloy ang sasabihin ko nang makita ko si Aling Mila kasama ang kapatid ko. "What are you doing here?" seryosong tanong ko.
"Ah, Kinne. P-Pinapapasok ko na si Sir Wigo dahil nakiusap siya. Pasensiya na at hindi ko siya matanggihan," nahihiyang sambit ni Aling Mila sa akin.
Sinabihan ko silang huwag magpapasok kahit kapatid ko pa pero sa sitwasyon ngayon, hindi rin makatanggi ang mga ito. Alam kong mahirap din ang ini-utos kong iyon lalo na at ang kapatid ko ang main sponsor nila.
"Aling Mila, mauna na kayo sa dining. Ako na ang tatawag sa mga bata," wika ko.
"Sige."
Naglakad na si Aling Mila patungong dining habang ako naman na tiningnan nang malalim ang kapatid ko. May dala pa itong isang bouquet ng bulaklak at alam ko na agad ang nasa isip ko. Manunuyo na naman ito sa akin kahit na ayaw ko na siyang makita. Kaya lang sa nakikita ko sa kapatid ko, may kaunting awa ako rito.
"Kinne, let's talk. I know it's my fault, but please, I'm begging your forgiveness," panimula niya. "Please accept my apologies." He gives me the flowers.
I stared at the flowers in front of me and then I accepted it. Subalit inilagay ko rin ito sa center table sa malapit. "Makakaalis ka na," malamig kong wika. "I think, wala na tayong pag-usapan. If we have important thing to talk, it's all about business. To tell you straightforward, I will finish our business transactions and the other proposal of our foundation. Ibibigay ko na rin ang rights ng full budget and accounts sa iyo. I will meet you later at BGC office for the transition."
"Kinne, please. Don't do this to me," muling pagmamakaawa niya. "I know it's my fault, but please..."
"Naawa ka ba sa akin nang gawin mo ang bagay na iyon? Naawa ka ba sa akin at sa damdamin ko na alam mong masasaktan ako? Kuya, kapatid mo ako. Sana man lang naisip mo ako in the first place. Tapos pupunta ka sa akin para magmakaawa? Noong una pa lang, wala na akong kalayaan. But I am trying to accept everything even it's really hurt.
"Hindi ako bato na hindi ko maramdaman ang sakit. Kahit sinong babae na nasa posisyon ko, masasaktan nang ganito. You know me very well and you know that I am still willing to accept my fate with you. Tatanggapin ko na sana, kuya. Kaya lang sa tuwing nakikita kita, nasasaktan na ako. Tama na, kuya. Hayaan mo muna ako at hayaan mo munang mauntog ako sa katotohanan na babalik pa rin ako sa pamilya natin. Please, stay away from me for a while. Mas maigi na dumistansiya muna tayo sa isa't isa para makapag-isip ako."
"Daddy!"
Nagulat akong bigla na lang tumatakbo sina Drake at Mimi saka niyakap ang kapatid ko. They call him dad since Wigo has taught them to call him that way. Hindi ko alam kung bakit pero ang batang si Mimi ang bigla na lang din umiiyak. Nagtatanong na sa akin ang mga bata kung bakit sila naroon at wala na sa bahay ng kapatid ko. And then, I tell them the truth. Na hindi na kami maaaring manatili sa bahay na iyon dahil may hindi kami pagkakaintindihan ng kapatid ko. That's all they know for now.
BINABASA MO ANG
The Billionaire Cassanova [SPG]
Storie d'amore‼️Warning ‼️ ✔Some chapters have mature content. ✔Read at your own risk. Tutol si Kinne nang malaman ng pamilya niya at ibang kamag-anak ang tungkol sa last will ng yumaong ama nila ng kapatid niyang si Wigo. Nakasaad doon na siya ang napili ng am...