Chapter 3

73 9 0
                                    

"Kumakain ka naman nito, diba?" Tope asked after the lady served our order. Napatingin ako sa isang mangkok ng arroz caldo sa aking harapan. I nodded kaya kaagad siyang napangiti.

"Thank you po, tita!" masiglang wika ni Tope sa babae at nag-thumbs up pa. "Alam mo, ang karinderya nina Tita Belen ang nagbebenta ng pinakamasarap na arroz caldo rito sa buong subdivision!" he exclaimed.

"Lagi ka rito?" I asked.

"Syempre naman, suki ako rito, no. Mga teammates ko ang lagi kong kasama rito," he answered. Tumango-tango na lamang ako at kumain na. Tama nga si Tope dahil masarap ang arroz caldo. Minsan na ring nagluto si Manang Lucy nito at masarap din iyon.

"You're a student at CSU, right?"

I nodded my head again. "You?" tanong ko.

"Sa kabila lang, Don Antonio, iyong public school," he replied.

Tumango lamang ako ulit at nagpatuloy sa pag-kain. Hindi na rin nagsalita pa si Tope dahil kumakain. "You have training?" I asked to break the silence. Paubos na kasi ang pagkain ko.

"Yup, 8 A.M pa naman," sagot niya. "Ikaw? Wala ka bang Kumon later?" he added.

Umiling ako bilang sagot. "So, free ka every Sunday?" aniya pa. Tumango naman ako this time. Inubos ko na lamang ang aking pagkain at hinintay din siyang matapos.

"How much-"

"Okay na, shoulder ko na 'to. Libre kita, remember?"

I sighed at saka nilagay na lang sa bulsa ang wallet ko. Nagpasalamat kami kay Tita Belen bago kami umalis doon. "Thanks for the food," I said to him. He then gave me a smile. "You're welcome," tugon niya.

"I'll go now," pagpaalam ko. Nangunot ang kaniyang noo at tiningnan ang oras sa kaniyang relo.

"May oras pa ako, hatid na kita," mabilis akong umiling sa kaniyang sinabi.

"I'm fine," sagot ko ngunit mukhang hindi pa rin talaga siya kumbinsido.

"Hindi ka marunong tumawid," rason niya. Napatingin ako sa paligid at tatawid nga pala muna ako sa kabilang kalsada upang makauwi.

"Look, walang cars," I said.

I walked towards the road to demonstrate to him that I am capable of handling myself. "See-AHH!" I screamed as I was nearly hit by a speeding motorcycle. Mabuti na lamang dahil mabilis niyang nahawakan ang aking kamay at nahila pabalik sa gilid ng kalsada.

"Ihahatid na kita," mariin niyang wika at nilagay annmg aking kamay sa laylayan ng kaniyang shirt. "Diyan ka humawak, baka hindi ka komportable kapag kamay ko ang hahawakan mo," paalala niya pa.

Napanguso na lamang ako at parang batang sumunod sa kaniyahabangmahigpit pa rin ang hawak sa laylayan ng kaniyang damit. While we were crossing the street, he was signaling cars and motorcycles with his hand. "O, diba? Buhay tayo?" natatawa niyang wika nang makarating na kami sa kabila.

"You can go now."

Ipinagkrus niya ang kaniyang mga kamay sa dibdib at tiningnan akong maigi. "I can handle myself," ani ko.

Ngunit nagtaka ako nang bigla niyang sininghot ang kaniyang sarili. Nilagay niya sa kaniyang ilong ang shirt niya. "Naligo naman ako. Hindi naman ako mabaho," he said.

"What?"

"Raf, pwede mo namang sabihin sa akin na magpabango ako kung nababahuan ka sa akin. Amoy chlorine ba ako?" tanong niya pa kaya mas naguluhan pa ako.

"N-No..." it was almost a whisper.

"Uy, hala, joke lang 'yun. Bakit parang iiyak ka na?" kinagat niya ang kaniyang labi habang mahinang tumatawa.

Secret Secret (Dès Vu Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon