Chapter 14

28 6 1
                                    

The second week of October went off without a hitch. Marga and I went to the mall on Monday to buy supplies for our group project. On Tuesday, we paid Tope a visit during his training. Casio picked me up at school after my dance practice on Wednesday. Tope came to the studio on Thursday to watch our practice, and I don't know why Mom showed up at my school on a Friday.

Sinabihan kasi ako ni Marga na nakita niya raw si Mom nang palabas siya ng student council office. Sunday na ngayon at hindi pa kami nagkikita ni Mom dahil 'di pa naman siya umuuwi rito sa bahay.

Dumating muli ang Lunes, maaga akong nagising at nagpunta sa school. Sa gymnasium kaagad ako dumiretso dahil ang section namin ngayon ang magle-lead ng flag ceremony. Pero umagang-umaga pa lang, nagtaka ako nang maabutang nagpa-panic si Marga.

"Hey, what's happening here?" I asked her.

"Yung camera ko! My camera!" She exclaimed.

My brows furrowed. "Bakit? Naiiwan mo ba? I think pwede namang phone mo lang ang gamitin mo for the picture taking—"

Napasabunot siya sa kaniyang buhok. "No, Raf! Nawawala ang camera ko!" She was so frustrated.

Napauwang ang aking bibig sa narinig. Iyon tuloy, hindi na ako nagdalawang-isip pang tulungan siya sa paghahanap ng camera niya. Pati ang mga classmates namin ay tumulong din.

"Ma'am, kasi po yung camera ko nawawala..." Halos maiyak na si Marga habang kinakausap ang adviser namin.

"Naku, Marga! Kami na lang ang bahalang maghanap 'nun. Mabuti pamg umakyat ka na sa stage para masimulan na ang program," Ma'am Perez said.

Kahit nag-aalala at hindi pa rin mapakali, tumango na lang si Marga at sinunod na ang sinabi sa kaniya ni Ma'am Perez. Siya rin naman kasi ang magiging emcee ng program. Kami ng mga kaklase ko ay sumunod na rin sa stage.

"Good morning CSU!" Marga tried to smile.

Same pa rin naman ang nangyari sa buong program. Hindi pa rin mapakali si Marga pero nairaos niya naman ang buong flag ceremony.

"Wala pa raw," naiiyak na wika ni Marga sa akin. Tapos na ang flag ceremony pero nandito pa rin kami sa gym. Nagpaiwan ako kasama siya para matulungan siyang hanapin ang nawawala niyang camera.

Our adviser went to us. "Saan mo ba huling nilagay ang camera mo, Marga?" Ma'am Perez asked.

"Pinabantayan ko po sa mga classmates ko bago ako umalis para kuhanin ang script ko. Tapos pagbalik ko po nawala na raw," sagot ni Marga.

Ayun tuloy, bumalik kami sa classroom at kinuwestiyon kaagad ni Ma'am Perez ang mga kaklase namin tungkol sa camera ni Marga. According to them, nakalagay lang daw iyon sa backstage kasama ang iba pang mga gamit na binabantayan nila. Wala rin daw ibang tao roon maliban sa mga kaklase namin.

"Wala naman sigurong magnanakaw sa section na ito, right?" Ma'am Perez asked everyone.

Kaagad na umiling ang lahat. Hawak-hawak ko pa ngayon ang kamay ni Marga dahil umiiyak pa rin siya. "Hahanapin natin iyon, okay?" I whispered.

Kagaya ng sabi ko sa kaniya, ginugol ko buong recess and lunch sa paghahanap ng camera niya. Si Tope ay sinamahan pa nga ako sa guidance office upang maipaalam na may nawawalang camera. Pero natapos na ang araw sa school, bigo pa rin kaming mahanap ang camera ni Marga. Hindi tuloy siya nakapag-practice ngayong araw.

Natapos na buong linggo pero wala talaga! Halos mawalan na ng pag-asa si Marga na makita ang camera niya. Na-check up na rin ang lahat ng sulok ng classroom pati roon sa backstage ng gym. Araw ng Sabado,  pinapunta nga rin ako ni Marga sa bahay nila upang tulungan siyang hanapin ang nawawalang gamit niya. But we found nothing!

Secret Secret (Dès Vu Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon