Chapter 5

53 10 1
                                    

"Suot mo na."

He handed his jacket to me. It was no longer raining, but the air was still cold. Gaya ng sabi niya, kinuha ko ang jacket at sinuot.

"Gusto mong kumain? Saan mo gusto?" he asked.

"Arroz caldo tayo, please," I replied. Tutal malamig ngayon, mas masarap kumain ng arroz caldo. Ngumiti siya kaagad at saka tumayo na. Agad na rin kaming umalis. Sumakay kami ng tricycle dahil medyo malayo iyong eatery ni Tita Belen. Siya ang nagbayad ng pamasahe at wala na akong nagawa roon.

"Hello po! Dalawang arroz caldo po sa amin," kaagad na wika ni Tope pagkapasok namin doon.

"Mabuti dahil nandito ulit kayo. Sige, sandali lang at maupo muna kayo diyan," tugon ni Tita Belen. Nginitian din niya kaming dalawa bago niya kami tinalikuran.

"Giniginaw ka pa ba?" Tope asked right after we sat down.

"Medyo," maikling wika ko.

Nagtaka naman ako nang tumayo siya. Inilipat niya iyong electricfan na nakapaharap sa likod ko. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makaupo siya ulit. Tita Belen smiled at us once more as she placed our food on the table. Before she left, we thanked her.

"Pepper?" tumango ako kaya nilagyan na ni Tope ang pagkain ko ng kaunting pepper. Siya naman ay naglagay ng toyo sa pagkain niya.

I was silent as we ate our meals. Tope remained silent as well. Binasag niya lang ang katahimikan nang mag-alok siya sa akin ng tubig at tinanggap ko rin naman iyon. Nang paubos na ang arroz caldo ko, binalingan ko siya ng tingin. He was already looking at me, but when I gave him a look, he immediately turned away. Nangunot tuloy ang noo ko sa inasta niya.

"Bakit?" tanong ko sa kaniya.

Muli niya akong tiningnan. "Ha? Ano... Bakit?" parang hindi na niya mahanap ang sasabihin.

"Why are you averting your eyes from mine?" I asked him again.

Nakita ko ang pagtaas-baba ng kaniyang Adam's apple. "Wala naman," he answered.

Hindi ko na lang inabala iyon. Sa halip, inubos ko ang aking pagkain at hinintay siyang matapos. Napauwang ang aking labi nang makitang bumagsak na naman ang ulan sa labas. Pinatuloy kaagad ni Tita Belen ang mga tao upang makasilong.

"Gutom ka pa ba?" Tope asked. I just shook my head.

"Hati tayo sa babayaran mamaya, hmm?" I told him.

"Kung iyan ang gusto mo," he replied.

Inubos na niya ang kaniyang pagkain. Hindi naman kami makaalis pa kaagad dahil patuloy pa ring umuulan.

"Kayo na lang po ang umupo rito."

When Tope suddenly stood up, I looked at him. He smiled at the elderly lady standing beside our table. The chairs were all occupied by people waiting for the rain to stop. Marami-rami na rin ang mga tao rito sa loob.

"Naku, salamat," tugon ng matandang babae sabay ngiti at tapik sa balikat ni Tope.

Lumipat si Tope sa kabila at tumayo lang doon. Napatingin siya sa akin at nagsenyas ng thumbs up. Tumango naman ako at nag-thumbs up din. Ipinagkrus niya ang kaniyang mga kamay sa dibdib. He then shut his eyes.

Napakagat ako sa aking labi at iginala ang mata sa paligid. May isa pang matanda ang nakatayo sa tabi ko. Bumuntong-hininga ako at tumayo. "Upo na po kayo," I told the other elderly lady.

"Okay lang ba sayo, hija?" she asked.

Ngumiti ako ng kaonti. "Opo naman, sige na po, upo na po kayo," I answered. She then thanked me and sat on my previous seat.

Secret Secret (Dès Vu Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon