"Rafaela? Nandyan ka na ba?"
Nanlaki ang mga mata ko nang may kumatok bigla sa pinto. Sa pagtataranta ko, kaagad kong binalik sa cabinet ang picture frame at mabilis na sinarado iyon bago pa man makapasok si Mom.
"What are you doing?" She asked.
I swallowed hard before smiling. "Naglilinis po," I answered.
Nakita ko ang pag-arko ng kaniyang kilay pero ilang saglit pa ay tumango na lamang siya. "Tatawagin ka maya-maya ni Manang Lucy kapag handa na ang dinner," wika niya at diretsong lumabas ng kwarto.
Nanatili ang ngiti ko hanggang sa hindi pa siya nakakalagpas sa kwarto. Bumuntong-hininga naman agad ako nang makitang tuluyan na siyang nakalayo. I closed the door and bit my lip. Nagtungo ulit ako sa cabinet at kinuha ang picture frame. Gusto ko lang kumpirmahin kung tama ba ang nakita ko kanina.
Halatang matagal na itong kinuha. Bata pa ang itsura ni Mom... at pati na rin iyong babaeng kamukhang-kamukha niya. Posibleng kambal ito ni Mom! Kambal!
Kopyang-kopya talaga ng babae ang mukha ng nanay ko. Ang tanging pinagkaiba lang nila ay si Mom may nunal sa ilalim ng kanang mata niya habang ang babae naman ay wala. Kaya nalaman ko kaagad kung sino sa kanila si Mom.
But Mom never told me she has a twin or any sibling at all. Ang tanging pinaalam niya lang sa akin at only child siya nina Mamita at Papi. Pero bakit ganito? Bakit may picture siya kasama ang isang babaeng papasang kambal niya? Kung kambal niya nga ito, bakit hindi niya kailanman sinabi sa akin?
Hindi ko na natapos ang paglilinis ng kwarto dahil sa kakaisip sa nakita. After a while, Manang Lucy knocked and told me dinner's ready. I cleared my mind first before making my way to the dining room. Hindi ako tinapunan ng tingin nina Mamita at Papi na naghihintay kasama si Mom sa hapag. Tahimik na lamang akong naupo sa pwesto ko.
The dinner went quiet as usual. Walang nagsalita sa amin at tanging ang tunog na ginagawa ng mga kubyertos lang namin ang maririnig habang kumakain. I think this is better. Magpa-panic lang ako lalo kapag kung ano-ano na naman ang sasabihin ng grandparents ko sa akin.
For the next few days, I couldn't stop thinking about the picture frame. But when Marga's birthday came around, I tried to clear my mind again, if only for a day. Matagal na kaming hindi nagkikita kaya gusto ko namang bumawi sa kaniya.
"Babyyy!" Marga screamed as soon as she saw me get out of the car. We hugged, and I couldn't stop laughing.
"I miss you! I love you!" Pinatakan niya pa ng maraming halik ang aking pisngi. Sa kanilang dalawa ni Tope, masasabi ko na talagang mas clingy si Marga.
"Happy Birthday, Marga!" I greeted.
Nagpaalam muna ako kay Kuya Pipoy at sinabihan siyang sunduin na lamang ako mamaya kapag nag-text na ako. Marga dragged me into her house. When I arrived, some helpers were already preparing the food, and I greeted them.
"Ate! Dumating na bestfriend ko!" Pagmamalaki agad ni Marga sa mga helpers. Mukhang close siya sa kanila.
"Hello po," bati ko na lamang sa kanila at ngumiti. Tuwang-tuwa naman sila kay Marga at biniro-biro dahil daw matagal na akong hinihintay ng alaga nila.
Hindi pa kami nakakaupo nang may nag-doorbell. Marga rushed outside and I followed her. Napangiti ako nang makita si Tope. Pinapasok siya agad ni Marga. He then gave Marga a hug and greeted her a happy birthday. Sunod ay napunta ang mga mata niya sa akin.
"Ganda," tawag niya sa akin at hinawakan na naman ang kamay ko.
"Rafaela's mine! Shoo!" Itinabig ni Marga ang kamay ni Tope at agad akong hinila papasok ulit sa bahay niya. Tope and I just laughed.
BINABASA MO ANG
Secret Secret (Dès Vu Series #1)
General Fiction(NO PORTRAYER INTENDED) "Fallen shoulders and soaking clothes, even the blasting music sounds quiet to me. I let my frustrated voices out hoping that they'd be washed away in the rain..."