Chapter 2

63 12 0
                                    

"I'm sorry ma'am. Hindi na po kasi tumatanggap ng newbies as of this moment. Tapos na po ang auditions namin last week pa."

Nakayuko lamang ako habang hinihintay matapos ang pakikipag-usap ni mom sa instructor ng orchestra. "Siya po ba ang nag-audition as pianist last week?" rinig ko pang tanong niya.

"Yes, and she said hindi pa kayo tumatanggap ng pianist," mom answered.

"Opo, marami na po kasi kaming pianist na under training at naghihintay din ng spot para makasali sa recital. Baka kapag tatanggapin namin siya, matatagalan pa bago siya makapag-recital."

Pinili kong huwag nang makinig sa kanila at itunuon na lamang ang atensyon sa mga nag-eensayo sa stage. Isa na roon si Marga na nakikipagtawanan sa mga tumutugtog ng cello.

"She will learn to play any instruments aside from piano then."

I sighed heavily. Mukhang natigilan pa ang instructor at napatingin sa akin. "I'm sorry po talaga, ma'am. We only accept newbies during auditions. Balik na lang po kayo next summer for the auditions. Tsaka, baka po mahirapan mag-adjust ang orchestra sa kaniya lalo na po kung wala pa siyang experience sa pagtugtog ng ibang instrument aside sa piano," the instructor replied.

Hindi na rin nagtagal ang pag-uusap nila. Binigyan ako ng isang maliit na ngiti ng instructor bago kami umalis ni mom at yumuko na lamang ako. Ngayon ay hindi ko na alam kung ano ba ang gagawin ko this summer. Marahil ay ipapasok ako ni mom sa ibang classes.

"I already enrolled you for a violin class. You will start tomorrow. Ihahatid ka na lang ulit ni Pipoy," mom said after we went inside the car. Tumango lamang ako at hindi na nagsalita. We went to the firm first upang ihatid si mom and then umuwi na.

While on our way home, habang naghihintay sa green light, nahagip na naman ng mga mata ko ang isang grupo ng magkakaibigan na naglalakad sa side walk. I saw him again. Kahit pa naka-facemask ay alam kong siya iyon.

"Tope...?" I whispered to myself. Bakit ba lagi ko na lang siyang nakikita kahit saan? Ngayon ay pansin kong iba na naman ang grupong kasama niya. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa makalagpas na sila.

"Kilala mo, ma'am?"

My eyes widened when I heard Kuya Pipoy. "S-Sino po?" I asked. Tinititigan na niya pala ako sa rear view mirror.

"Yung tinitingnan mo po kanina. Kilala mo po, ma'am?" aniya.

"U-Uh... opo, yung isa lang sa kanila."

Thank God, hindi na nagtanong pa si Kuya Pipoy. Tinanguan niya na lamang ako at saka nagsimula mag-drive dahil green light na pala.

When we arrived home, I just greeted Manang Lucy and went straight to my room. I remembered I have things to do pa pala. Gaya na lamang ng Kumon activities kong hindi ko pa natatapos. Hindi ko nga alam kung ico-continue ko pa ba iyong Kumon lalo pa't I have a new class na kailangan kong pagtuunan ng pansin.

While answering, I was listening to some music. K-pop isn't really my thing, sinubukan ko lang makinig dahil ni-recommend ni Spotify. The songs are pretty good actually. Nakakaindak ang mga beat kaya parang magandang sayawan.

Although I never tried dancing, I think it has always been in my mind since I was just a child. It is the only thing that I really have an interest to try but my parents didn't let me try it. Naalala ko pa noong seven years old ako nang nagtanong ako kung pwede ba nila akong ipasok sa isang dance class. Mom was so happy when she heard my favor subalit nang malaman niyang hindi ballet class ang gusto ko, nawala ang ngiti sa kaniyang labi. What I meant by dancing is iyong mabibilis, energetic, at nakakahingal na mga sayaw. I just think it's cool. But I don't think I'll ever get a chance to try it.

Secret Secret (Dès Vu Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon