I had never liked anyone before because I had never known what it was like to like someone. Of course, like any normal adolescent, I was curious about how these things worked. How could you tell if you liked someone? Is it how their hand felt against yours? When you hear their voice, do you get tingles down your spine? How you manage to keep your cool when they were around? How about your reaction when you hear their name? Well, I'm not sure!
"Do... you have a crush on me?"
Halos mabaliw ako nang tanungin ko si Tope. I didn't want to make an assumption, so I had to confirm it right away! Mas mabuting malaman ko ang lahat ngayon kaysa naman umiwas-iwas na naman ako at mag-overthink.
Pero nakakahiya pa rin! Parang gusto ko na lang tuloy magpakain sa lupa pagkatapos lumabas sa bibig ko ang tanong na iyon.
His lips curved into a small smile causing his dimples to show up again. Sa hindi malamang dahilan, para akong nanghina pa nang makita ko ang ngiti niya. Bakit ba kasi ako nagkakaganito?!
"Wala," he answered.
My mouth dropped open in awe.
"Kasi gusto kita," he continued.
HA? ANO?! Paano nagkaganito? Paanong nagustuhan niya ako? Paanong...
"Hindi pa ba ako halata?" He asked me.
Gusto kong sumagot ng 'hindi'. Pero kaagad ko ring inisip ang lahat ng nagawa niya sa akin sa bawat pagkakataong magkasama kami. Iyong pabalik-balik niya sa park tuwing Sunday ng umaga para kitain ako kahit may training siya... Ang pag-aabang lagi sa akin noong summer... 'Yung paghahatid sa akin sa main gate at pagsama sa akin na hintayin si Kuya Pipoy every dismissals... At iba pa!
"Gusto kita, Raf. Gustong-gusto," he said and looked at me straight into my eyes.
I'm at a loss for words. I was astounded! Things that happened between us in the last few days began to stick with me. I began to reflect on each interaction we had. Na-realize ko tuloy that... sobrang halata niya pero ako lang naman itong manhid!
"S-So... you want to be your..." Girlfriend!Halos hindi ko na maituloy iyon dahil sa panginginig ng aking boses.
Iyon naman ang sinabi niya kanina, e! Kapag daw gusto mo ang isang tao, balak mo siyang gawing girlfriend o boyfriend. Kaya nang sinabi niya gusto niya ako, I also assumed that he wanted me to be his... ano... Naguguluhan pa rin ako kahit sinabi niya naman sa akin!
He let out a short laugh. Parang tuwang-tuwa pa siya sa akin! Why does he appear to be so at ease? Dapat nga ay siya itong kinakabahan dahil siya naman ang umamin at hindi ako! Pero bakit nagkabaliktad na ang sitwasyon namin?
"Oo," he answered with a smile on his lips.
Para akong nalula sa kaniyang sagot. So, he really wants me?!
"But not now, Raf." He patted the top of my head gently. Para akong pusang pinapaamo ng lalaking ito!
"Why?" I asked. Nagkatitigan kami at doon ko na-realize na parang hindi ako nakuntento sa sinabi niya! Damn it!
He looked like he was stopping himself from smiling widely and it was annoying! Kumukulo ang dugo ko roon dahil alam kong he's enjoying.
"Raf, can I court you?"
Mababaliw na talaga ako sa usapan naming ito ngayon. Hindi ko na mahanap ang mga tamang salitang sasabihin ko at hindi ko nga alam kung nga mga tamang salita pa bang pwedeng sabihin sa kaniya.
He just held my hand and squeezed it a little when he saw me struggling to find the right words to say. "Hey, no rush, okay? Walang problema kung hindi ka makakasagot ngayon," he said softly.
BINABASA MO ANG
Secret Secret (Dès Vu Series #1)
General Fiction(NO PORTRAYER INTENDED) "Fallen shoulders and soaking clothes, even the blasting music sounds quiet to me. I let my frustrated voices out hoping that they'd be washed away in the rain..."