Katangahan nga ba??
Alam Kong marami sa Inyo ang magsasabi na di ako nag iisip, masyado akong nagtitiwala at akung ano ano pa, pero sa mga oras na yun kasi mas nanaig sakin ang awa. Di ko alam kung bakit parang naantig ang puso ko sa nakita kong sitwasyon niya,kaya nasabi kong..
"Tara"
Akay akay ko siya nung binuksan ko ang pinto at pumasok sa loob ng aking bahay. Oo may sarili akong bahay di Ako nag re rent lamang🙄maliit lang pero maayos naman, ito ang nag iisang tahanan na minana ko sa aking mga magulang.
"Upo ka muna" sabi ko habang inaalalayan siya papunta sa sofa. .
Di ko pala nabanggit no, na nung sinabi niyang sasama siya pag uwi ay di na siya makalakad ng maayos, natapilok daw kasi siya habang tumatakbo.
.
"Salamat po" narinig kung sagot niyaAgad akong pumunta sa kusina para asikasuhin ang mga longanisang di nakuha ng kustomer ko.
Ay oo nga pala, di ko ba nasabi.. nagtitinda pala ako ng mga processed food. Yun ang aking kabubayan.Bumalik ako sa sala na may dalang baso ng tubig para ibigay sa kanya,
ngunit nakita ko itong mahimbing ang tulog sa kawayan kong sofa. Kaya Sabi ko sa sarili ko na haya-an ko na lang muna itong makapag pahinga.Bumalik ako sa kusina para magluto ng tanghalian. Pero syempre manaka naka akong sumisilip sa sala para tingnan ang kalagayan ng kawawang nilalang.
Di naman Ako ganun ka walang konsensya.
