Chapter 5

64 2 0
                                    

Till death do Us part??

Isang linggo na rin ang nakalipas mula ng manirahan sa bahay si Jimin.

Wala akong naging ka proble problima sa kanya, kung meron man ay yung halos siya na ang gumagawa lahat ng gawaing bahay at ako naman ay nagbuhay princesa. Pati mga paninda ko nga mabilis kung natatapos at nauubos ibenta  dahil din sa kanya.

And the realization struck me, masarap pala talaga ang may kasama sa buhay.

Yung may nahihingahan ka ng problema at napag kukwentuhan mo ng lungkot pait at saya.  Yung pagkatapos sa maghapong gawain kasama mong maghapunan habang tumatawa at nagku kwentuhan.

Yun pala ang wala sakin ng mahabang panahon.  Masyado kong diniprive ang sarili ko na maging masaya dahil lamang sa isang trahedya na di ko naman talaga ginusto.

Let me tell you my story.
I was 10 years old ng mangyari ang trahedya. Yes tragic para sa mura Kong isipan.

Isang gabi nagising na lamang ako na nagkakagulo sa labas at nakita ko na may buhat  buhat na dalawang nilalang ang aming kapitbahay at may ambulansyang naghhihintay sa labas.

Dun ko nalaman na sa galit pala ng Tatay
ng best friend ko eh naitak niya si tatay ko at ang asawa niya sa loob ng aming bahay dahil nahuli niya itong magkapatong sa loob ng kwarto

Wala si  Nanay ng mga panahong yun dahil nasa ibang bayan.

Kumalat ang tsismis sa lugar namin kaya mula nun di na ako kinausap ng bff ko dahil ang tatay ko daw ang may kasalanan sa lahat ng nangyari kaya nasira ng pamilya Niya..

Yun din ang dahilan kung bakit lumipat kami ng lugar. Kung Ang. Pamilya ng bff ko ay nasira, sinikap naman ni Mama na mabuo muli ang amin kaya naman bibigyan niya ng second chance 
Ang Papa ko at namuhay kami ng tahimik...

Yun ang akala ko,

Dahil makalipas lamang ang ilang taon ay muli itong naulit.

Tandang tanda ko pa ang mga katagang binitiwan noon ni Mama,  sabi niya.

" Hayop ka! Bakit mo ginawa sakin to??? Di ka na Naawa sakin sa panloloko mo, Sawang sawa na ako sayo!!!  Pa ulit ulit na lang! Maghiwalay na tayo!!!!

Si papa naman pana'y ang hingi ng sorry kay Mama. Kesyo di na mauulit, kesyo natukso lang daw siya. Kesyo Ang babae Ang umakit sa kanya.
Kaso parang bingi na si Mama sa paliwanag kaya ayun  galit na galit na pinaharurot niya yung kotse.

Si Papa naman mabilis din ang patakbo gamit ang motor para habulin si Mama.. Pero pareho silang nawalan ng preno at nahulog sa bangin. Na Till Death Do Us Part silang dalawa.

Masakit pero buti na lang ng mangyari yun eh nasa highschool na Ako, kaya ko ng buhayin ang sarili ko.
Kaya ito Ako ngayon sanay na sanay sa buhay nang nag-iisa.

PansamantalaWhere stories live. Discover now