Jimin's Pov
Alam ko naman na impossible pero kumakapit ako sa maliit na pag asang baka sakali meron kahit kunti..
Naalala ko kasi ilang gabi ang lumipas simula ng manirahan ako sa kanya nang narinig ko siyang humihikbi.
Marahil dala ng pag-aalala sumilip ako sa kanyang naka awang na pinto.
Nakita kong yakap niya ang isang larawan habang umiiyak.
Bigla akong nahiya sa ginawa ko kaya humakbang ako palayo.
Malayong malayo hanggang sa di ko na siya naririnig dahil nasasaktan din ako.
Naguguluhan din kasi ako, at natanong ko sa sarili kung normal pa ba tong nararamdaman ko.
Alam kung di ko mapapalitan ng saya ang sakit na nararamdamn niya, pero sa gagawin ko baka sakaling maibsan at mapunan ko ang puso niya ng kahit kunting saya..
Naisip kong gumawa ng paraan at yun ay matagal ko din pinag isipan.
Kaya ito ako ngayon taranta, tinatanong ko ang sarili, kung sa gagawin ko ba matutuwa siya.
Na te tense na ako pero ayoko mag back out.
Sabi nga nila it's now or never.
Sakali mang magustuhan niya tiyak na matutuwa ako.
Kung hindi naman, atleast alam kong masaya Ako dahil sinubukan ko.
Pumuwesto Ako sa pinto hawak ng maliit na box sa kamay ko.
Ilang minuto na lang at darating na siya kaya humanda na ako.
"In"
"3"
"2"
"1"
"SURPRISEEEEEEE!!!!"
