Chapter 4

79 2 0
                                    

Jimin's Pov

Masakit ang ulong dinilat ko ang aking mga mata. Hindi na ako nagulat na sa ibang bahay ako nagising. Laking pasalamat ko na lang na may mga tao pa palang handang tumulong sa di nila kakilala.

Agad akong naupo at tumingin sa paligid. At di Ako mahihiyamg sabihin na ang una kung napansin ay ang pagkain sa mesa na nagbigay ng saya sa kumukulo kong tiyan. Ilang araw na din kasi akong walang kain.

Maya maya pa ay nakita ko ng lumabas mula sa tingin kung kusina ang babaeng sakin ay umalalay, may ngiti sa kanyang labi ng sabihin niyan...

"Gising ka na pala, Tara kain na"

Wala akong pake sabihin niyo man na wala akong hiya pero nung sinabi niya 'yun agad akong lumapit sa mesa at unang inabot ang tubig para lumagok ng pagka bilis.

Agad akong nagpawala ng malalim na buntong hininga pagkatapos kung uminum na ikinagulat niya .

Pero iyun lamang ay pansamantala dahil muling nanumbalik ang ngiti sa kanyang mga labi ebedensya ng pagka amused niya.

" Upo ka, kain na tayo"

Agad kong hinila ang upuan at naupo kaharap niya. Napansin ko na maliit lamang ang lamesa at dalawa lamang ang upuan kaya naisip ko kung dalawa lang ang nakatira o nag iisa lang siya. At para bang nabasa niya ang tumatakbo sa utak ko at nasabi niyang.

" Wala akong kasama sa bahay, mag-isa ko lang namumuhay"

Ngumiti ako na may halong hiya, pero nilunok ko yun dahil sa gutom na nadarama, at ilang minuto pa nga tiyan ko na tumutunog napuno ng saya.

"Salamat sa pagkain" Sabi ko

"You're welcome" sagot niya

PansamantalaWhere stories live. Discover now