Chapter 9

43 2 0
                                    

Athena's Pov

Panu nga ba to nagsimula?
Yung tipong naiinip ako kaka-antay ng oras nang pagdating niya.
Yung panay silip ko sa pinto dahil umaasa akong may magbubukas at sasalubungin ako ng ngiting pagka-tamis tamis.

Yung magkukunwari akong nauuhaw para lang may dahilang pumunta sa sala sa sarili kong bahay para lang masulyapan ang maamo niyang mukha habang natutulog sa sofa.

Yung pag gising ko mukha niya yung una kung makikita hawak ang kape at naka ready nang almusal na hinanda niya sa lamesa para pagsaluhan naming dalawa.

At ang pinaka paborito kong ginagawa niya ay ang pag silip silip sa aking likuran twing ako naman ang nakatukang nagluluto ng pagsasaluhan naming dalawa.

For the past few months ganun ang routine ko, namin sa araw araw. At sa kunting panahon na iyun natanong ko sa sarili ko, " kaya ko pa bang mabuhay ng hindi nami miss ang mga sandaling to?"

Alam ko ang sagot pero... ayaw ko na lang isipin, alam ko namang darating ang araw na yun.
Ngayon pa nga lang na naiisip ko, naiiyak na ako pero syempre wala naman akong karapatan na pigilan siya.
Dahil sa una pa lang sinabi na niyang...

Ang paninirahan niya ay ...
PANSAMANTALA.

Pumasok ako sa kwarto at kinuha ang munting frame na nasa taas ng aking maliit na drawer. Niyakap ko ito ng mahigpit at di ko napigilang bumalong ang luha saking mga mata. "Parang mauulit na naman, meron na namang sakin ay mang iiwan" bulong ko sa sarili kasabay ng pagpatak ng luha na pilit kung pinipigilang dumaloy kasabay ng paghikbi.

PansamantalaWhere stories live. Discover now