Chapter 8

41 2 0
                                    

Jimin's Pov

Muntik na akong atakehin ng hawakan niya yung mukha ko. Halos di Ako makahinga at unang beses ko pa lamang yun naramdaman sa buong buhay ko.

Akala ko simpleng pisil lang ang gagawin niya ngunit para bang may kung anong mahika ang bumalot at nung nagtagpo ang aming mga mata ay bigla na lang tumigil ang mundo ko ganun din siya. Napatitig na lamang kami sa isat isa at parang walang may gustong kumurap sa aming dalawa.

Ilang segundo, minuto? Di ko alam.. Ang alam ko lang ay para bang ng mga oras na yun gusto ko na siyanh halikan dahil sa mga titig niya sa'kin. Pasalamat na lang talaga Ako at biglang nag vibrate yung phone niya kaya naman para di Ako mapahiya eh inasar ko siya kaya ito Ako ngayon sinisikap na maiwasan ang pangkamot ng likod na humaahabol sakin.

Marahil nagtataka kayo kung bakit Ate ang tawag ko sa kanya..

Sa tingin ko halos magka idad lang naman kami at kaya Ate ang tawag ko sa kanya ay dahil Athena ang kanyang tunay na pangalan kaya Ate Ang kanyang palayaw. Dapat nga daw Athe Yung pagka pronounce nun with H,  kaso tunog ngongo kaya Ate na lang.

At sa wakas napagod din siya sa kakahabol sakin at sabay kaming napa sandal sa  sofa kaya I took the opportunity para titigan siya habang nakapikit ang kanyang mga mata.

Ngayon ko lang napansin na napaka amoo pala talaga ng mukha niya bagay sa ugali niyang kay ganda.
Naisip ko na napaka swerte ko naman at siya ang napili ni lord para tumulong sakin noong mga panahon na kailangan ko ng mapuntahan.

And just then I realized humahanga na pala Ako sa kanya.. Marahil tanungin nasa isip niyo kelan nga  ba nag umpisa??

Ang totoo di ko din alam, Basta ang alam ko lang masaya akong kasama siya sa araw araw simula ng una kaming nagtagpo.

PansamantalaWhere stories live. Discover now