Chapter 11

46 2 0
                                        


Athenas Pov

Ganun nalang ang gulat ko nang pagbukas ko ng pinto ay biglang may sumigaw at sumabog na confetti sa harap ko.

Nakita ko si Jimin na may dinampot sa sahig at pagka lambing lambing ng tingin na humarap sakin. Para bang ang saya saya niya ng mga oras na yun dahil abot tenga ang mga ngiti niya.
Matagal din akong nakatitig sa kanya bago ko napansin na pilit niyang inaabot sakin ang box na hawak niya.

"Anong meron?" Nalililito kong tanong.

"Di ko alam kung magustuhan mo to." Sambit  niya habang titig na titig sakin.
Bago siya nagpatuloy magsalita.

"Pero... this is my way of thanking you for the times you've let me stay, for taking care of me these past few months. You have no idea kung ano ang pagka tao ko but tinanggap mo ako ng buong buo. Alam kung you're struggling financially too pero nakuha mo pa rin na tulungan ako without complain. That's how good of a person you are. And I can say I'm so blessed na ikaw ang napili ng langit na tumulong sa'kin...
I know hindi pa sapat to pero sana magustuhan mo."

I stared back at him wide eyed and said..

"Aalis ka na ba? Iiwan mo din ba ako?"

Di ko alam kung bakit pero.. yun ang unang lumabas sa bibig ko. Dahil yun din ang unang naramdaman ng aking puso, kasabay ng pagbalong ng luha sa mga mata ko.
Nakita kong medyo natulero si Jimin pero di ko na yun pinansin dahil bigla kong narinig ang maliit na boses mula sa kahong hawak niya pa rin.

Napatingin muli ako sa kanya at sinabi niyang buksan ko ito.

Sa sobrang tuwa ko ng makita ko ang nasa loob ay bigla na lamang akong  umiyak at napaupo sa sahig.
Yung sobrang iyak na may halong lungkot, tuwa, pagka surpresa at kung ano ano pa.

Agad nilapag ni Jimin ang box sa sahig at kinuha ang laman nito bago ibinigay sakin.
Lalo akong naiyak sa tuwa habang yakap yakap ang nilalang na kakawag kawag ang buntot pero tahimik lang nakikinig sa hikbi ko.

"Di ko na itatanong pa kung magustuhan mo kasi obvious naman eh." May ngiti sa labing sambit niya.

Sa sobrang saya ko ay nayakap ko siya nang mahigpit habang sinasabi ang salitang "salamat".
Alam kung di sapat ang mga salitang yun para iparataing sa kanya kung ganu ako natutuwa at dala marahil ng bugso ng damdamin ay nahalikan ko siya.

Di lamang sa pisngi ngunit sa kanyang mga labi..

PansamantalaWhere stories live. Discover now