3• Jareb

90 31 1
                                    

# 03

Skinny bones

Skinny bones

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

°°°°°°°°°

Pagkapasok ng subdivision nagdrive na ko papunta sa bahay namin.

It was not that far from the gate kaya malapit lang at mabilis na makakarating dun.

The gate opened when one of our maid saw my car. Pinasok ko na ang kotse ko saka i-pinark sa garahe. Looks like mom hasn't arrived yet. Wala pa yung kotse niya.

Bumaba na ako saka pumasok sa bahay. May kalakihan din tong bahay namin , may third floor at may malawak na backyard kami sa likod . You can't say na mansion siya pero muka lang mas maliit kang to kesa sa mansion.

Since si Dad , may sarili kasi siyang Law Firm kaya medyo may pagka mayaman din kami.

Pero di ako spoiled brat!

Pumasok ako sa loob at nasalubong ko na ang kapatid ko. Muka siyang tanga sa posisyon niya . Yung ulo niya nasa baba ng sofa tas yung paa niya nasa taas ng sofa.
Naglalaro na naman ng mobile legends ang hinayupak na to.

Pustahan.... Itinakas na naman niya yung cellphone niya sa cabinet ni mom.

Lalagpasan ko na sana siya ng bigla niya kong tinawag.

" Yo"

Alam kong pag t-tri-tripan na naman ako ng hinayupak na to kaya di ko siya pinansin.

" Susumbong kita kay mommy" reklamo niya na parang batang umiiyak . Sabagay bata pa naman pero maka asta kala mo 4 years old kahit 10 years old na siya. Abnormal lang.

" Di isumbong mo" bored kong sagot sa kanya.

Patuloy na sana ako sa paglalakad ng bigla nalang niya akong binato ng unan.

Calm down pre. Sobrang payat niyang kapatid mong hinayupak wag mong papatula---

" Tang'na mo! Skinny bones!"
Inis na sigaw ko.

Yeah siya si Skinny bones este Jacob . Pinangalanan ko lang siyang skinny bones dahil sa sobrang payat niya dinaig pa mga models.

Pano kung kumain ang arte arte. Minsan ang ulam niya kanin nalang. Minsan din tinatamad kumain dahil sa lintik na mobile legends na yan.

Binalik ko ang tingin kay
Skinny bones-Jacob na nandidilat sakin.

King'na mo guntingin ko yang dila mo!

Sasabunutan ko na sana siya ng biglang bumukas yung main door at pumasok si mom.

" Mommy" sigaw ni Jacob at tumakbo para yakapin siya.

Binalikan siya ni mom ng yakap. Lumapit din ako dun para yakapin siya. Yinakap niya ko tapos seryoso akong tinignan.

Napakamot nalang ako ng batok. Kitang kita na sa muka niya na yung lagi niyang tingin sakin kapag pinapahiwatig Niya na I know what you did look.

Between The LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon