24• Jessa

55 22 0
                                    

Don't worry

# 24

Malapit ng matapos ang klase kaya naman pinapalinis ko nalang sila ng mga kalat nila sa sari-sarili nilang upuan. Habang inaayos ang mga folder sa desk ko tinawag ko ang classroom president ng klase ko.

" Tori. Nak" pagtatawag ko sakanya habang nagbabasa ito at parang may sariling mundo kasi hindi niya naglilinis.

Wala naman kasing lilinisin kasi sobrang linis na bata neto. Kahit anong dumi hanapin mo mula sa kanya ay wala kang makikita. Kaya nga minsan tinatawag siyang ' clean freak ' ng mga kaklase niya.

Lumingon sakin eto habang walang bakas na emosyon sa mukha neto.

Napaka seryosong bata. Eto yung idial na estudyante ng mga guro. Kaya lang, she lacks social skills. Mas gusto niyang ginagawa lahat ng magisa. Hindi rin siya marunong makipaghalubilo sa iba niyang kaklase. She's like her father before. Kumabaga parang female version ni Vic.

Sinenyasan ko siyang lumapit sa akin.
Ibinaba naman niya ang librong hawak saka lumapit sakin. Ipinakita ko sa kanya ang folder na hawak. Tungkol ito sa schedule ng mga students council tungkol sa meeting nila.

Tori is our school's student council. Because of her leadership skills and program planning , siya ang i-volunter kung studyante. The admins also thinks it's a good choice kaya naturingan na siyang student council president for this year.

They have a new project for this school kaya kailangan magmeeting ng mga members.

Iniabot ko sa kanya ang folder , " you can read about their criteria. Take notes if may gusto kang i-suggest or ipatangal. We need their approval also, kaya feel free kung may gusto ka pang idagdag diyan. Basta kapakanan ng project. "

Kinuha niya ito saka binasa ng gamit ang mata sa tabi ko. While I was also looking at her nagvibrate ang cellphone ko. There's a message.

From the adviser of Jareb....

Madam Wesley. Wala sa klase ko anak u. Pati mga kaibigan niya. Alam mo ba kung saan sila nagpunta?

Kumonot ang noo kung ng nabasa ang message. San na naman nagpunta ang batang to. Nag cutting na naman ba sila ng mga kaibigan niya!?

Napamasahe ako sa sintido. Nagbuga ng hangin.

Yare na naman talaga tong batang to saakin. Di man lang nagpaalam. Baka kung mapano na naman. Makipagbugbugan na naman. Ang hilig nilang magkakaibigan gumawa ng mga katarantaduhan. Nadidismaya na ako. Sabi niya magbabago na siya at hindi na siya gagawa ng mga ganito.

" Naku Jareb. San ka na naman ba nagpunta di ka pa nagpaalam." Bulong ko sa sarili.

Di ko alam na narinig pala ni Tori yun kaya napatingin ako sa kanya na nakatitig sakin habang walang bakas na emosyon sa mukha niya.

Napaayos ako ng upo. " May gusto kang i-suggest ukol sa project nak?"

Umiling ito pero nakatitig parin sa akin. Naiilang na ako.

" May problema ba ?" Tanong ko.

" Sorry... I overheard and peeked " Saad neto.

" It's ok--"

" He went to accompany his broken hearted friend." Sabi neto.

Nagulat ako sa sinabi niya. Si Jareb ba tinutukoy niya? And how would she know na nagtungo nga roon ang anak ko.

" Pano mo naman nalaman?"

" He went to the library in a hurry like an idiot. The went to me to say he'll accompany his friend because it might do something stupid. Then hurriedly went back"

Between The LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon