Chapter 11: Her eyes

1.5K 70 32
                                    

Y/n POV~

It's been three days since Tricia and I talked, and she's been bugging me to join her for lunch. That's probably Tricia's way of making up kaya sinasamahan ko na lang siya.

Today is the last day of our duty, kaya hinihintay ko yung text ni Tricia. Hinihingi ko kase address nila. Pero wala ata siya balak ibigay?! Wala naman ako gagawing masama sa family niya.

So I decided to go to her office nalang para wala siyang kawala. I arranged my things in the locker first bago pumunta sa kanya.

Before entering, I knocked three times on her door muna para alam niyang may papasok.

Pagpasok ko nakita ko siyang nag cocooking game?! Hello? kanina pa ako nag hahantay message mo.

Pagpasok ko napatingin siya sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay. Naka eye glass pa siya ngayon at naka baba ang buhok.

Tricia smiled as she shut off her phone and said, "Oh you're here na pala, I've been waiting for you na pumunta sa office ko."

"Ha?" napakunot ako ng noo ko. "Anong hinihintay eh sabi ko itext mo sa akin." dagdag ko.

"let's go together nalang, y/n may car naman ako" Tricia said, naririnig ko yung pagod sa voice nya kaya pumayag nalang din ako. "Pero y/n, are you sure na pupunta ka ngayon? hindi ka ba muna magpapahinga?" Tricia asked me.

"You're even more tired than me kaya, but if you don't want me to go ngayon wag nalang." sabi ko bigla, kaya napahampas siya sa balikat ko. Aba nananakit agad.

Pagdating namin sa parking lot pumunta na agad kami sa white car niya. Aba BMW, charis Honda pala 'yon.

"Ako na mag drive, Tri." sabi ko bago pa makaupo si Tricia sa driver seat. Tumango lang siya at pumunta agad sa passenger seat.

Pagod na pagod yarn?

Pagkapasok namin sa kotse niya aba ambango amoy cologne or baka siya ata yung mabango? tanong ko sa sarili ko.

I just warmed up the engine for about five minutes before we set off.

Nang makalayo layo na kami sa Medical City, tumingin ako saglit kay Tricia. Tricia was texting someone on her phone. Focus na focus pa siya. Focus sa goal yarn.

Naramdaman niya ata na tinignan ko siya, "Don't worry, I'm just texting my family to let them know na pauwi na ako. " Tricia explained.

"uh... okay?" sabi ko sa kanya, kaya napatawa nalang siya ng bahagya.

For a brief moment, tumahimik kaming dalawa, but nagtanong bigla si Tricia , "Where did you learn to drive, Y/n?"

"Sa bumper car lang." sagot ko kay Tricia.

Her eyes widened when she heard what I said kaya she quickly fastened her seatbelt to ensure her safety; her unexpected actions make me laugh nalang.

"Tri, relax joke lang." sabi ko sa kanya na natatawa parin. Hindi naman kita hahayaang masaktan.

Inirapan lang ako ni Tricia kaya natawa ule ako.

~

Maya maya tinuturo na ni Tricia yung way kung saan yung parking lot ng condo nila kaya sinunod ko nalang siya dahil mas alam niya yon.

"We're here na, y/n" Tricia said habang inaayos yung bag nya bago bumaba.

Kinuha ko nadin yung gamit ko bago bumaba sa kotse, chineck ko muna kung okay na lahat bago kao bumamba. Pagpatay ko ng makina hinatak agad ako ni Tricia papuntang elevator.

Zephyr of CapillaryWhere stories live. Discover now