Chapter 17

1.7K 92 45
                                        

Y/N POV

Alex was playing a song before I could enter our apartment. Paano ba naman nasa labas palang ako ng pinto namin naririnig ko na 'yung pinapatugtog niya.

Hindi naman halatang excited siya sa pag cacampaign bukas, ang pinapatugtog kasi niya ay 'yung kantang Kay Leni Tayo. Naka speaker pa siya!

Pagkabukas ko ng pinto ay dumiretso agad ako kay Alex na nakahiga sa couch namin, soundtrip ng soundtrip hindi man lang magawang maglinis sa apartment namin.

Feel ko nga hindi na apartment 'to eh, tirahan na ata ng ipis 'to sa sobrang dumi. Kaya minsan hindi na ako magugulat pag may gumagapang na isang ipis sa lapag, sasamahan ko pa siya gumapang.

"Hoy Alexander!" I exclaimed, nagulat ata siya kaya napalingon agad sa akin.

"E kung krompalin kaya kita d'yan?" I said as I approached him.

Tumayo naman agad si Alex at pinatay agad yung speaker. Alex pouted his lips and made a peace sign with his finger pagkaharap niya sa akin.

"i-... ah... ha- hmm... alam mo y/n" Alex said, nauutal pa siya. Sinamaan ko lang siya ng tingin at umupo sa couch namin habang naka cross arms.

"Ano soundtrip soundtrip nalang? Wala nang linis linis? I thought I told you to clean kanina ha? Bakit ka nakahiga lang?" I asked, my gaze locked on him. Nakatayo parin kasi siya sa tabi ng speaker namin, hindi gumagalaw he looks like tuod tuloy.

"kase ano...uhm- "

"What? Ano excuse mo?" I asked, my brow furrowed.

"Alam mo nakakainis ka, what if patapusin mo muna ako? Putol ka ng putol hindi naman pantay kilay mo." Alex said firmly, kaya natawa ako bigla.

Grabe, foul 'yon ha? Tsaka straight kilay ko 'noh! Ako ang hindi.

"I'm waiting for you noh, hindi ko alam saan ako magsisimulang maglinis." Alex said sabay lapit sa akin at umupo sa tabi ko. "tsaka ang kapal ng mukha mo mag reklamo! Sino nag hatid sayo kanina? Sosyalin 'yung kotse, BMW ba 'yon?!" tanong ni Alex bigla kaya nanlaki ang mga mata ko.

Shocks, nakita niya 'yon?!

"Gaga, HONDA 'yon." Sabi ko.

"Then...sino 'yung naghatid sa'yo?" Alex says, his brow creased, "sinong maswerteng lalake ang bumihag sa iyong heart, hm?"

"It's a girl, Alex." I answered with a smile.

Alex's mouth formed an o, showing his surprise, "OMG, sino 'yo-" mag tatanong sana siya pero I stopped him.

"It's a secret! Tara na mag linis na tayo." I remarked as I stood up and walked to my room para mag palit na ng damit.

As I closed my door, I heard Alex yell, "Sabihin mo na! nahiya ka pa! Ako lang 'to oh!"

Natawa nalang ako sa sinigaw niya. Gosh! Tricia makes me smile talaga every time I think about her.

~

Alex and I cleaned our apartment agad after I changed my clothes. Matagal tagal narin kasi na hindi nalinis 'tong apartment namin, kwarto ko lang lagi nalilinis ko.

Paano ba naman pag inaaya ko siya maglinis ng buong apartment namin sasabihin niya wag na daw kasi dudumi din naman, mindset daw ba mindset.

Mabuti nalang kamo at babalik kami sa Bulacan bukas para sa campaign, nalinis na din yung apartment namin.

I think we finished cleaning around 8 p.m. na, as well as packing our things narin and buying snacks incase na magutom sila ni Tricia sa byahe.

Nakabili na din ako ng pasalubong for my family, nag dedemand kasi sila na bumili ako ng pasalubong pag uwi kahit na nasa Manila lang ako.

Zephyr of CapillaryWhere stories live. Discover now