"Sino yung artistang humihingi ng phone number ni Tricia?" Tanong ko sa volunteer. Kinakabahan siyang nakatingin sa akin. "Hmm?"
Kinaladkad ko ang volunteer palabas ng tent pagkatapos ko sabihin sa harap niya na girlfriend ako ni Tricia para kausapin siyang mag-isa.
"Sagutin mo muna ako." sabi niya habang nakatingin sa akin. "Girlfriend mo ba talaga si Tricia?" tanong niya.
"Yes, I'm Tricia's girl friend," matigas kong sabi sabay smirk sa kanya. "Magkaibigan na kami simula bata pa lang, so we consider each other to be girl friends, pati sina Jillian at ate Aika. Girl friends ko din sila." pagsisinungaling ko.
Sana naman maniwala siya.
Bumuntong-hininga siya nang marinig niya ako, "Oh! Akala ko," aniya, huminto upang itaas ang kanyang kamay at gumawa ng two-fingered sign. "Kayo talaga," bulong niya, kinakabahan na ngumiti sa akin.
Naniwala nga siya.
"Straight naman ata kaming dalawa. " sarkastikong sabi ko habang nakatitig sa kanya.
"I know! Tsaka nakakahiya naman 'yon kung mag jojowa ako ng kaparehas ng gender niyo!" natatawa niyang sabi.
"Masama ba mag mahal ng same gender mo?" Tanong ko bigla kaya napatigil siya sa pagtawa at napatitig sa akin. "What? what's wrong? I'm just asking you a simple question. Gusto ko malaman ang isasagot mo." Dagdag ko habang sinasamaan siya ng tingin.
"Syempre mali," matipid niyang sagot sabay smirk sa akin. "Bakit? Dahil ang mga babae ay para lamang sa mga lalaki. Ang mga babae ay dapat na sumasamba sa mga lalaki, tulad ko."
"Stop talking," mariin kong sabi habang nakatitig sa kanya. Naikuyom ko ang kamao ko para pakalmahin ang sarili ko.
"Bakit? Tama naman ako ha! Ang babae ay para sa lalaki lang," sabi niya habang naglalakad palapit sa akin.
"Babae ka lang," sabi niya habang patuloy na naglalakad palapit sa akin.
Stop talking.
"Ang babae a-" panimula niya pero pinutol ko siya nang sinipa ko ang genital niya. Dahilan para mapaluhod siya.
"I told you to stop talking, didn't I?" Inis kong sabi sabay titig sa kanya at tinignan niya ako ng masama. Lumapit ako sa mukha niya at inagaw ang ID niya, "Johnny," sabi ko habang inilabas ko ang id niya.
Ang baho ng pangalan niya.
Hinawakan ko ang kanyang baba at nginitian siya, sinabing, "Let me tell you something, Johnny," bago yumuko palapit sa kanyang tainga. "Women are always better than men." matigas kong sabi.
"Always remember that, Johnny," sabi ko sabay tayo ng maayos para titigan siya; inis na pinandilatan niya ako. "Hindi kami babae lang, Johnny. Babae kami." nakangisi kong sabi habang papalayo sa kanya.
Iniwan ko doon si Johnny, nakaluhod at nakahawak sa genital niya dahil sinipa ko siya ng husto.
Desurve.
"Y/n!" Sigaw ni Tricia pagpasok na pagpasok ko sa tent nila, sabay-sabay silang tatlo na tumakbo papunta sa'kin at mahina akong hinampas sa braso. Tumingin silang tatlo sa akin na may pag aalala sa kanilang mga mukha.
"Anong nangyari sa labas?" Nag-aalala pa ring tanong ni ate Aika.
Tinapik ko ang balikat niya at ngumiti sa kanya, "Wala ate Aika, okay na po, nakausap ko naman po siya ng mahinahon at maayos!" paninigurado ko sa kanya.