"Tita! I missed you po!" bulalas ni Alex habang nagmamadaling siyang lumapit kay mama. Niyakap agad ni Alex si mama nang makita niya ito, at niyakap naman siya ni mama pabalik. Habang nakatingin siya sa amin, napansin kong nakangiti si mama sa akin.
Pinisil ko ang kamay ni Tricia dahilan para mapatingin siya sa akin. "Ang cute nila noh?" sabi ko sa kanya, ngumiti naman siya at tumango.
"Tita! Kamusta ka naman po?" Tanong ni Alex sa mama ko habang humiwalay sa yakap nila. Hinaplos ni mama ang mga braso ni Alex at ngumiti, "I'm good naman, kayong dalawa?" habang nakatingin siya sa akin at kay Tricia.
Hinila ko si Tricia sa likod ko habang naglalakad ako papunta kay mama. "Ma, we're good din po, and you look pretty ma ha! Napapadalas ata pag zu-zumba mo?" Tumawa ako. Tumabi sa akin si Tricia at binati ang mama ko, "Hi Tita, it's nice seeing you-" sabi ni Tricia, pero bigla na lang niyakap ng mama ko si Tricia, dahilan para mapatigil siya sa pagsasalita.
Mom must have missed her as well.
Nagtatakang sumulyap sa akin si Tricia, ngunit niyakap naman niya pabalik si mama, dahilan para mapangiti ako. I crossed my arms and gave Tricia a smile that being said, "Ayos lang 'yan, namiss ka lang ni mama."
Nakita kong hinihimas ni mama ang likod ni Tricia, kaya napagdesisyunan kong hayaan na lang silang mag-usap dalawa. "Alex, help mo 'ko kunin 'yung bags sa kotse," mahina kong sabi sabay sundot sa tagiliran niya gamit ang susi ng sasakyan ni Tricia.
"Ouch!" bulalas ni Alex na halatang gulat na sinundot ko siya ng susi ng sasakyan sa tagiliran niya. Pagkatapos niyang sumigaw, nagtatakang tumingin sa kanya sina mama at Tricia, hindi bumibitaw sa kanilang mga yakap.
"Alam mo tita, feeling ko po may multo here." sabi ni Alex sabay humarap siya sa akin. "Hehe, may nakapasok po palang masamang espirito here, ilabas ko lang po." patuloy niya habang hinihila ako palabas ng sala. Nag flying kiss muna siya kay mama bago isara 'yung pintuan.
Ako ba 'yung masamang espirito?!
Bahagyang hinampas ni Alex ang mga braso ko na ikinatawa ko. Nagmamadali kaming pumunta sa car trunk para kunin ang mga bag namin ni Tricia at ang maleta ni Alex. Habang bitbit ko ang mga bag namin ni Tricia sa itaas, napansin ko sila ni mama na masayang nag-uusap sa aming sala.
"Akyat muna ng bag bago lumandi bakla ka," sabi ni Alex sabay batok sa akin habang hila-hila niya 'yung maleta niya sa itaas.
He grinned at me when I rolled my eyes at him and added, "Give me your bag na nga, Ako na magbubuhat for you." Napansin niya atang nahihirapan akong dalhin ang bag ko dahil puno ito ng mga damit para sa mama at mga tita ko. Baka kasi mag reklamo mga tita ko kay mama pag hindi ko sila binigyan.
Pagkaabot ko sa kanya ng bag ko, umarte siya na parang ang bigat-bigat nung bag ko para sa kanya, "yung totoo y/n, bato ba laman neto? Mas mabigat pa 'to kesa sa maleta ko." sabi niya na tinaasan ako ng kilay.
"Shut up, mga damit lang 'yan." Sabi ko habang nilalagpasan siya papunta sa kwarto ko, narinig ko lang siyang tumawa at inilapag ang bag ko sa harap ko. Alam naman na ni Alex kung asan 'yung guest room kaya hindi ko na 'to itinuro sa kanya.
Paano ba naman dati araw araw siya andito, gusto niya pa nga ako katabi matulog noon. Feel ko crush niya talaga ako noon eh. Eme.
Pagpasok ko sa kwarto ko, walang nagbago. Malamig at maaliwalas parin 'yung room ko. Walang binago si mama sa kwarto ko, pero sa tingin ko nililinis niya ito minsan sa isang buwan. Ang linis e.