Naalis ko ang tingin kay Lieutenant nang makita ko ang pagkinang ng mata niya. Para bang sa itsura niya ay may narinig siya na bago sa kaniyang pandinig. Aiya! Hindi naman obvious na interesado siya sa suhestyon ko no?
"Torture?" Tanong nito na habang nakatingin pa rin sa'kin. Nginitian ko na lang siya atsaka tumango bilang tugon.
Sa training kasi ay parte talaga ang torture, pero hindi nga lang ganoon kagrabe kung ikukumpara sa naiisip ko ngayon. Hehe! Well, "Escape and Evasion" ay parte ng training namin noon, kung saan kunwari ay nahuli kami ng mga kalaban tapos ipaparanas sa'min ang ibat-ibang klase ng torture.
Dito kailangan mong maging matatag, dahil talagang masusubok ang pagiging tapat mo sa bansang sinisilbihan mo. Pinapakita dito kung gaano ka katibay na protektahan ang pinaglalaban mo kahit na anong mangyari.
Alam niyo ba kung gaano kadami ang bumabagsak sa test na 'to dahil hindi nila kinaya ang sakit? Jusko! Ikaw ba naman ilublob sa drum ng tubig tapos kuryentehin, sinong hindi mababaliw don? Nakakaramdam ka na ng sakit physically tapos pinanghihinaan ka pa mentally, edi tapos na ang laban!
Kapag nakaramdam ka na ng sobrang sakit ay doon na lumalaki ang tsansa na bumigay na yung utak natin na dumating sa punto na hindi na tayo nakakapag-isip ng tama. Ibig sabihin, kung nasa giyera ka ay siguradong manganganib ang mga kasamahan mo at ang buong bansa dahil sa pwede mong masabi.
"Like duh? Paano pala kung nasabi mo ang mga plano ng army niyo sa kalaban, edi patay kayong lahat? Aish!"
Pasimple na lang akong napailing habang nakatingin sa mga military student na nakahubad na nag-eensayo. Marami sa kanila ang wala man lang kagalos-galos sa katawan! Kung makikita mo nga sila sa personal ay hindi mo aakalain na isa silang Military student!
"Barilin ko kaya sila isa-isa nang magtino? Tsk!"
"You want them to experience that?" Biglang tanong ni Lieutenant na kanina lang ay natahimik. Iniisip niya siguro kung itutuloy niya ang pag-arte niya na walang alam katulad kanina.
"In my opinion, yeah." Sagot ko na lang at binalik na ang paningin kay Janice na may hawak na baril ngayon.Seryoso niyang kinasa ang hawak nitong handgun at walang pagdadalawang isip na pinutok ang baril nang sunod-sunod. Napangiti tuloy ako nang wala sa oras dahil sa kaastigan ng babaeng 'to.
Sa itsura niya ay hindi mo iisipin na protektado siya ng kuya niya. Awra palang ng babaeng 'to ay natatakot na yung mga lalaking lumapit sa kaniya. Tulad na lang ng mga lalaking nasa paligid niya na nakatingin sa kaniya ngayon.
Halatang humahanga sila sa galing ni Janice sa pagbaril. Yun nga lang mas lamang pa rin sa kanila ang takot na baka kapag lumapit sila dito ay masapak sila nang wala sa oras. Aiya. Lalo tuloy akong nawiwirduhan kay Javier sa pagiging protective nito.
"Ito yata ang epekto ng walang jowa! Nyahahaha! Paano ba naman magkakaroon ng girlfriend kung laging si Janice ang inaalala?"
Inalis ko na lang sa isipan ang abnormal na si Javier at nagpokus na kay Lieutenant nang marinig ang tanong nito.
"Can you give me a reason? If you can justify your opinion, then I might think of including that idea in their training." Nakangiti niyang sabi na kinatigil ko sandali.
BINABASA MO ANG
Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia Boss
ActionCarnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madali ang buhay niya simula pa ng ipanganak siya. Bata pa lang ito ay pinasok na siya sa loob ng militar...