Chapter 76

84.4K 4.3K 6.6K
                                    


PIRA'S POV




Nang makalabas ako ng kwarto ni Lady Heavenhell ay hindi ko maiwasang magtaka. Mag-aalas tres pa lang kasi ng umaga kaya nakakapagtaka naman na pinapaalis niya ako dahil lang sa hindi siya sanay matulog nang may kasama.



Atsaka, napansin ko rin na parang nagmamadali si milady na makalabas ako. Wala naman sigurong problema diba? Napailing na lang ako sa naisip atsaka nagpatuloy sa paglalakad. Diretso lang ang lakad ko nang marinig ang bulungan ng mga nurse sa paligid na agad na nakakuha ng atensyon ko.


"Napanood niyo ba yung balita?"


"Oo, grabe! Tumitindig pa rin ang balahibo ko sa tuwing naiisip ko 'yon!"


"Kaya nga ehh, kawawa naman yung mga namatay! Balita ko pa nga ay may iilan na mga artista na dumalo sa event, ibig bang sabihin ay malaki din ang tsansa na patay na rin sila?"


"Malamang sa malamang ay ganon nga ang nangyari! Kita mo naman na pati yung mga reporter na nakabagsak ng mga camera ay nakahandusay na rin sa sahig, diba? May libreng live massacre pa nga tayong napanood!"



"Uy! Huwag mo nang banggitin at kakain pa tayo mamaya. Siguradong marami pang dadalhin na pasyente dito dahil sa nangyari kanina kaya wala na tayong oras magpahinga ulit."



Nang makita na umupo ang mga nurse sa waiting area ay pasimple din akong tumigil sandali para makasagap ng impormasyon. Kabilin-bilinan pa naman sa'kin ni Lady Athy na kapag may pagkakataon na makarinig o makakuha ako ng mga importanteng impormasyon ay hindi ko dapat palagpasin ang pagkakataon.



Kaya naman bilang masunurin at tapat na katulong ni Lady Athy ay nararapat lamang na sundin ko lahat ng payo at pinag-uutos nito. Kahit na sa tingin ko minsan ay wirdong pakinggan ang mga sinasabi niya sa'kin.



Inalis ko nalang ang mga naiisip at nagpokus sa pakikinig. Pasimple akong umupo sa tabi nila atsaka nagkunwari na nagpapahinga. Sinandal ko kasi ang likod ko sa upuan at pumikit para magmukhang natutulog.



Hindi ko alam kung talaga bang hindi nila ako mahahalata dito dahil si milady lang din ang nagturo sa'kin na ganito daw ang gawin ko minsan. Masiyadong maraming tinuro sa'kin si Lady Athy na talaga namang tumatak sa utak ko.



Paano ba naman hindi tatatak sa utak ko kung ganito ka-wirdo ang mga pinapagawa sa'kin. Ni hindi ko nga alam sa simula kung para saan ang mga tinuturo niya, pero habang tumatagal ay mukhang nagkaka-ideya na ko.



'Hindi kaya balak ni milady na sumali sa Mafia Organization ng Caventry kaya hinahanda niya lang ang sarili niya sa pamamagitan ng pagkuha ng impormasyon? Hmm... Pero malabo din na ito ang dahilan dahil wala namang alam sa pakikipaglaban si Lady Athy! Hayys!'



Napailing na ako sa aking isip atsaka tinalasan ang aking pandinig. Hindi pwede na may impormasyon akong makaligtaan mula sa mga babaeng 'to.


Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon