Chapter 74

74.7K 3.6K 2.8K
                                    

Nang marinig ko ang malamig na boses na 'yon ay hindi ko alam kung dapat ko bang imulat pa ang mga mata ko. Kaya naman mas diniin ko na lang ang mukha ko sa dibdib ni Trider at doon nagtago. Pero mukhang mali yata ang ginawa ko dahil bigla na lang nanigas ang katawan ni Trider at mas lalong bumilis ang pagtibok ng puso niya.





'Aiya! Ano nang nangyayari at pati ang inosenteng si Trider ay nagkakaroon na rin ng reaksyon. Wala pa naman akong ginagawa ahh!'





"I can't do that."





Napalunok na lang ako nang marinig ang malamig na boses ni Trider. Shit! Muntik nang mawala sa isip ko na may galit nga pala ang lalaking 'to sa mga noble. Kaya kapag hindi 'to naagapan ay siguradong giyera ang mangyayari. Lalo pa't ang nasa harap niya ngayon ay ang pinakademonyo at male lead ng nobela na si Vile!





'Geez! Dapat ko na bang imulat ang mga mata ko?!'





BRICK'S POV (pink haired guy)





Nang makarating kami sa hotel ay agad naming nakita ang mga nakapaligid na sundalo sa buong lugar. Sigurado ako na sila ang mga pinadalang tao ng Military Sect para mailabas ang lahat ng tao sa hotel ng ligtas. Marami din ang nagkalat na reporter at ibat-ibang journalist na galing pa sa mga malalaking entertainment company ng Atlante.





"Kailangan nating makapasok nang hindi nila napapansin. Alam niyo na ang gagawin niyong dalawa, diba?" Seryosong tanong ni Butch na nakasuot ng all black na damit.





"Yup!" Nakangising sagot ni Boomer na nakasuot din ng itim ngayon.






Kung tutuusin ay mukha talaga kaming mga assassin sa mga suot namin kaya kailangan naming mag-ingat. Mamaya mapagkamalan pa kaming kalaban, edi lalo naman kaming nalintikan kay boss kapag nagkataon.





"May puno doon sa gilid na pwede nating akyatin," biglang sabi ni Boomer na nakatingin sa medyo tagong bahagi ng gusali.




"Okay, let's go!"





Mabilis kaming kumilos at patakbong lumapit sa puno na nakita ni Boomer. Syempre habang ginagawa namin 'yon ay kailangan naming mapanatili na tago ang presensya namin mula sa mga sundalo. Malakas din kasing makaramdam ang ilan sa kanila kaya pagalingan lang talaga ang labanan.






'Well, tiwala naman ako sa kakayahan naming tatlo bilang assassin, kaya sigurado akong hindi nila kami mahuhuli. *Smirks*'





Agad kaming umakyat ng puno at isa-isang umapak sa sanga. Manipis na lang kasi 'yon dahil nasa may kataasan na kami ng puno. Para makapasok sa third floor ng hotel ay kailangan naming buksan ng tahimik ang bintana.





"Shh! May sundalo sa baba kaya huwag kayong huminga." Seryosong utos sa'min ni Butch na kinakunot ng noo namin. Anong huwag huminga? Siraulo ba siya?!





Hindi na lang namin siya pinansin at hinintay na makalagpas sa pwesto namin ang mga naglalakad na sundalo sa baba. Mukhang naglilibot-libot sila para malaman kung may mga naiwan o na-trap pang mga tao sa loob ng building.





"Let's go." mahinang sabi ni Butch nang makaalis na ang mga lalaki.





Nasa unahan namin siya ngayon kaya siya ang mauunang pumasok sa loob. Nang makatapak sa dulo ng sanga ay mabilis siyang tumalon pakapit sa bakal na meron sa gilid ng bintana. Agad niya ding binuksan ang bintana atsaka pumasok sa loob ng kwarto.





Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon